Miles Ocampo, agaw-pansin ang kagandahan sa ibinahaging litrato

Miles Ocampo, agaw-pansin ang kagandahan sa ibinahaging litrato

- Umani ng papuri ang ibinahaging picture ni Miles Ocampo sa Instagram kamakailan

- Marami sa mga netizens at maging mga artista ang pumansin sa agaw-pansin nitong kagandahan

- Marami din ang nakapansin sa tila pagkakahawig niya sa Pop star na si Sarah Geronimo \-Guidicelli

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kasalukuyang napapanood si Miles kasama si John Lloyd Cruz sa palabas na pinamagatang “Happy ToGetHer”

Marami ang nakapansin sa lalong pag-usbong ng kagandahan ng aktres na si Miles Ocampo. Ito ay matapos niyang ibahagi ang isang litrato sa Instagram kung kamakailan. Marami sa mga netizens at maging mga artista ang pumansin sa agaw-pansin nitong kagandahan.

Miles Ocampo, agaw-pansin ang kagandahan sa ibinahaging litrato
Miles Ocampo (@milesocampo)
Source: Instagram

Kabilang sina Dimples Romana at Arlene Muhlach sa nagkomento sa kanyang ibinahaging picture.

Marami din ang nakapansin sa tila pagkakahawig niya sa Pop star na si Sarah Geronimo \-Guidicelli:

Read also

Ping Lacson, hanga kay PNoy sa lahat ng mga naging presidente: "Hindi siya corrupt"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Magkapatid nga kayo ni Laida Magtalas! Pag scroll ko, binalik ko tlaga. make sure kung si @justsarahgph ba. beautiful and simple @milesocampo
Wooow looks like laida magtalas version 2.0. Hawig na hawig ni Sarah G! Ang gaganda talaga.
Akala koy si Sarah G! Ang ganda naman.Wow ang GANDA @milesocampo kala ko si SARAH G @justsarahgph ❤️❤️❤️ Layda Magtalas is that you?

Bukod kay Sarah, meron ding mangilan-ngilan na nagsabing hawig din niya si Kathryn Bernardo.

Kasalukuyang napapanood si Miles kasama si John Lloyd Cruz sa palabas na pinamagatang “Happy ToGetHer”.

Si Miles Ocampo o Camille Tan Hojilla sa tunay na buhay ay isang Filipina actress, model, writer, at singer. Naging bahagi siya ng dating ABS-CBN gag show Goin' Bulilit. Naging bahagi siya ng Star Magic. Ilan sa kanyang mga nakatrabaho kung saan siya ang gumanap sa mga supporting roles ay sina Sarah Geronimo, Sharon Cuneta, Kim Chiu at Lorna Tolentino.

Si Miles ay kilalang malapit sa mag-iinang Kris Aquino, Bimby at Joshua. Sa katunayan ay maging si Kris ay palaging nagsasabi kung gaano niya kamahal si Miles. Tinuturing nila itong parang kapamilya nila. Kaya naman, ikinabigla niya at ikinalungkot ang paglabas ng fake niews na nabuntis umano siya ng isa sa mga anak ni Kris.. Agad niya itong inalmahan at pinaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa pinapaniwalaang mga balita.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel