Karen Davila, kinagiliwan sa reaksyon nito nang mahulog ang dalang pasalubong

Karen Davila, kinagiliwan sa reaksyon nito nang mahulog ang dalang pasalubong

- Kinagiliwan ng netizens ang naging reaksyon ni Karen Davila nang maihulog nito ang pasalubong niya para kay Donny Pangilinan

- May dala kasi itong Salmon sashimi na paborito pala ng young actor

- Si Donny kasi ang kanyang guest sa pinakabagong vlog niya ngayong 2022

- Matatandaang tinamaan ng COVID-19 ang buong pamilya ni Karen at ang interview niya kay Donny ang muling pagbabalik niya sa kanyang YouTube channel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinagiliwan ng marami ang naging reaksyon ni Karen Davila nang aksidenten mabitawan nito ang pasalubong para kay Donny Pangilinan.

Nalaman ng KAMI na si Donny kasi ang unang guest ni Karen sa kanyang YouTube channel ngayong 2022.

Karen Davila, kinagiliwan ng netizens nang maihulog ang pasalubong kay Donny Pangilinan
Karen Davila (@iamkaredavila)
Source: Instagram

Dala ni Karen ang paborito ni Donny na salmon sashimi subalit nang biglang buksan ni Donny ang kanyang garage door kung saan naroon na at nakaabang si Karen, bigla nitong nahulog ang pasalubog.

Read also

Donny Pangilinan, hinangaan ng marami sa interview sa kanya ni Karen Davila

"Yung pasalubong ko nahulog ko, buti na lang it's neatly packed," ani Karen na agad na pinulot ang maayos pa rin na pagkakabalot na pasalubong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natuwa pa rin naman si Donny sa dala ng kanyang tita Karen.

Samantala, maging ang netizens ay naaliw sa naging reaksyon Karen sa nahulog na pasalubong.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ayan na naman si Tita Karen, so kulit. Naaaliw din talaga ako sa mga videos niya"
"Hala, buti maayos ang packaging. Ang kulit ng reaksyon ni Ms. Karen"
"Kaya nanonood din ako ng vlogs ni Karen Davila, bukod sa lessons may makukulit na moments din siya.

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Read also

Rob Moya, sinorpresa si Toni Fowler ng dinner date kasama si Vince Flores

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Si Karen din ang nakapagkumbisi sa kanyang best friend na si Kim Atienza na pasukin na rin ang pagiging isang YouTuber.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel