Sandara Park, pinasilip ang kanyang luxury shoe collection

Sandara Park, pinasilip ang kanyang luxury shoe collection

- Sa kanyang bagong video na binahagi, pinagbigyan ni Sandara Park ang kanyang mga tagahanga na nag-request na ibahagi niya ang kanyang shoe collection

- Dahil mas maliit ang lugar sa kanyang bahay na nilipatan kung saan mag-isa lang siyang nakatira, marami umano sa kanyang mga sapatos na naiwan sa bahay ng kanyang ina

- Karamihan sa kanyang mga sapatos na nakalagay sa kanyang bahay ay mga mamahaling sneakers

- Nakatakda ding ibahagi ni Sandara ang kanyang mga damit sa kanyang closet sa susunod na bahagi ng kanyang Housewarming Party videos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang paninirahan nang mag-isa sa kanyang bahay, masayang ibinahagi ni Sandara Park ang kanyang luxury shoe collection upang mapagbigyan ang mga hiling ng kanyang mga followers at viewers sa kanyang YouTube channel.

Sandara Park, pinasilip ang kanyang luxury shoe collection
Photos from Sandara Park (@daraxxi)
Source: Instagram

Isa-isang binahagi ni Sandara ang kanyang pinakapaborito hanggang sa pinakamahal na sapatos sa kanyang sneaker collection. Dahil mas maliit ang lugar sa kanyang bahay na nilipatan kung saan mag-isa lang siyang nakatira, marami umano sa kanyang mga sapatos na naiwan sa bahay ng kanyang ina.

Read also

Sylvia Sanchez, maghihintay nalang umano ng apo dahil malaki na ang bunsong anak

Hindi naman mapigilang humanga ng mga kagaya niyang mahilig sa sneakers sa bongga at yayamaning collection ni Sandara:

I felt jealous. I was in love with sneakers too! But I bought only 1 or 2 pairs since its expensive, And I even used it for a whole year. Hehe!!! Love you, Krung. But seriously I was shook with 5/6 stored in her mother house, That's a lot!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

I remember her LV archlight in different colors, chanel sneakers, louboutins, her balenciaga triple S in diff colors and pierre hardy collections. Also not there. Maybe she left it at her moms
Dara’s sneaker collection is a heaven

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Read also

LJ Reyes, ibinahagi ang kanyang pananaw tungkol sa tunay na kasiyahan

Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunapaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang komento ni Sandara sa picture ni Vice Ganda kasama si Ion Perez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel