Sylvia Sanchez, maghihintay nalang umano ng apo dahil malaki na ang bunsong anak

Sylvia Sanchez, maghihintay nalang umano ng apo dahil malaki na ang bunsong anak

- Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang picture nila ng kanyang bunsong anak na si Xavi

- Aniya, nalungkot siya nang sabihin ng bunsong anak na mas matangkad na ito kesa sa kanya

- Pabiro namang nagparinig si Sylvia na mag-aantay na lamang siya ng kanyang magiging apo dahil malaki na ang kanyang baby

- Kapansin-pansin din na naka-tag ang mga anak niya sa kanyang picture na binahagi kabilang na ang girlfriend ni Arjo Atayde na si Maine Mendoza

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami sa mga netizen ang nag-mention kina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa comment section ng Instagram post ni Sylvia Sanchez. Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sylvia ang picture nila ng kanyang bunsong anak na si Xavi.

Sylvia Sanchez, maghihintay nalang umano ng apo dahil malaki na ang bunsong anak
Arjo Atayde (@arjoatayde)
Source: Instagram

Aniya, nalungkot siya nang sabihin ng bunsong anak na mas matangkad na ito kesa sa kanya. Pabiro namang nagparinig si Sylvia na mag-aantay na lamang siya ng kanyang magiging apo dahil malaki na ang kanyang baby.

Read also

Anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, kinaaliwan ng mga netizens

Kapansin-pansin din na naka-tag ang mga anak niya sa kanyang picture na binahagi kabilang na ang girlfriend ni Arjo Atayde na si Maine Mendoza.

bigla akong nalungkot hahaha Xavikok my baby no more! Hintay nalang talaga ako ng apo koehem, ehem, ehem hahahaha

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod ng hirit niya, sinabi ng award-winning actress na ang mga fur babies na lamang muna nila ang kanyang magiging babies.

But in the meantime, habang wala pa ehem ehem! Sila Soji, Zola, Lulu, Ellie, Callie, Georgie, Hailey, Matilda and Bucky muna ang mga babies ko

Narito naman ang komento ng ilang netizens:

Maam Sylvia antay lang yun munang ate ni meng ikakasal na sya ngayung 2022 kaya sina arjo at meng for sure na sa 2023.
Hahahaha itag ko na po ba?

Read also

Francine Diaz, diretsang sinabi na wala siyang boyfriend; "I’m a single lady"

Maine at Arjo, nagpaparinig na si mommy

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Arjo sa kanyang kasintahang si Maine Mendoza. Nauna na ring sinabi ni Arjo na binago ni Maine ang kanyang ugali at buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel