Francine Diaz, pinakita ang mga Instagram users na kanyang na-block

Francine Diaz, pinakita ang mga Instagram users na kanyang na-block

- Sa kanyang Yoube channel, ibinahagi ni Francine Diaz ang video kung saan kasama niya si Jake Ejercito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Sumabak silang dalawa sa Game of Phones kung saan kailangan nilang ipakita kung anuman ang hinihingi sa kanila mula sa kanilang phones

- Isa sa naitanong sa kanila ay kung sino ang mga naka-block sa kanilang mga Instagram accounts

- Pinakita ni Francine ang iilang accounts na naka-block sa kanya at mga trolls umano ang mga ito

Matapos niyang ibahagi ang unang video niya kasama si Jake Ejercito, isang video muli ang ibinahagi ni Francine Diaz na kasama si Jake. Sumabak sila sa Game of Phones. Sa game na ito ay kailangan nilang ipakita kung anuman ang hinihingi sa kanila mula sa kanilang phones.

Francine Diaz, pinakita ang mga Instgram users na kanyang na-block
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Andrea Brillantes, naalarma sa poser; pinare-report ang fake account

Isa sa naitanong sa kanila ay kung sino ang mga naka-block sa kanilang mga Instagram accounts. Pinakita ni Francine ang iilang accounts na naka-block sa kanya at mga trolls umano ang mga ito.

Marami naman ang naka-block kay Jake at ayon sa kanya ay mga trolls din daw ang mga ito.

Matatandaang naging usap-usapan ang unfollow isyu nina Francine at Andrea Brillantes kamakailan. Lumabas anf isyu matapos mag-viral ang picture nina Francine at Seth Fedelin kasama ang pamilya ng dalaga.

Kasunod nito ay napansin ng mga netizens na hindi naka-follow sa IG ni Francine si Andrea. Gayunpaman, naka-follow pa rin si Francine. Kinalaunan ay muling naka-follow uli si Andrea ngunit tuluyan na rin itong naka unfollow.

May mga nakapansin din na hindi na rin naka-follow ang account ni Francine kay Andrea.

Sa kasalukuyan, nagiging batayan ng publiko ang social media ng mga artista sa kanilang relasyon. Ilan sa mga paghihiwalay sa showbiz ay natutunugan ng netizens dahil sa simpleng pag unfollow lamang nga mga magkarelasyon.

Read also

Andrea Brillantes, bumwelta sa netizen na nagkomento sa kanyang TikTok video

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawaging ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel