Vice Ganda, napansin ang maduming electric fan sa bahay ni Dra. Vicki Belo

Vice Ganda, napansin ang maduming electric fan sa bahay ni Dra. Vicki Belo

- Kinaaliwan ang bagong vlog ni Vice Ganda kung saan pumunta siya sa lumang bahay ni Dra. Vicki Belo

- Isa lamang ito sa dalawang bahay ni Dra. Belo sa isang eksklusibong village at nakalipat na umano sila sa bago nilang bahay

- Nang makapasok sa loob ay hindi nakaligtas kay Vice Ganda ang isang maduming stand fan

- Marami ang naaliw sa reaksiyon ni Dra. Vicki Belo sa pang-ookray ni Vice dahil sa nakitang electric fan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang naaliw sa bagong vlog ni Vice Ganda kung saan pumunta siya sa lumang bahay ni Dra. Vicki Belo na isa lamang sa dalawang bahay nila sa hindi na pinangalanang eksklusibong village.

Vice Ganda, napansin ang maduming electric fan sa bahay ni Dra. Vicki Belo
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kinaaliwan ng netizens ang reaksiyon ni Dra. Vicki Belo sa pang-ookray ni Vice dahil sa nakitang electric fan. Dahil hindi na nga nila tinitirhan, tila hindi sigurado si Dra. Vicki kung kanila nga daw ba iyon o baka dinala lang iyon ni Vice.

Read also

Claudine Barretto, nakasama ang mga anak ni Marjorie Barretto sa pagdiriwang ng bagong taon

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

This is my second time watching this vlog! Natutuwa ako sa brief, katol at electric fan. Baka nga dala ni Vice .. cool lang si Dra. Belo , so sport and you are so funny too

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Regardless of their status in life,Vice and Dra Vicky still offered us how to be humble, generious and to be radiant in all aspects of life. Katol, dirty electric fan, brief, plenty of shoes and bags, lubricant—- laugh trip! Thank you Vice and Dra Belo for making us laugh and be happy! Love you both
Yung maduming electric fan, maduming brief at katol parang pinalagay nlng ni meme vice yon LOL yOn laftrip overload mOre cOntent & cOllab w/ doc

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Heart Evangelista, nagbahagi ng appreciation post para sa kanyang mister

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel