Ivana Alawi, sinurpresa ng pinakabagong iPhone ang kanyang road manager

Ivana Alawi, sinurpresa ng pinakabagong iPhone ang kanyang road manager

- Binigyan ni Ivana Alawi ng pinakabagong iPhone ang kanyang road manager na tinatawag niyang 'Kuya Paolo'

- Makikita ang saya ng kanyang road manager na kasa-kasama na ni Ivana mula nang siya'y magsimula sa showbiz

- Ibinigay niya ito sa birthday celebration niya sa Okada kaya naman hindi lamang talaga siya ang sumaya sa kanyang kaarawan

- Likas na mapagbigay si Ivana na matatandaang binigyan din ng tig-iisang iPhone ang kanyang family members

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muli na namang hinangaan ng mga netizens ang pagiging mapagbigay ni Ivana Alawi na nagawang bigyan ng pinakabagong cellphone ang kanyang road manager na tinatawag niyang "kuya Paolo."

Nalaman ng KAMI na sa selebrasyon ng kanyang birthday sa bonggang Villa ng Okada Manila, tinawag ni Ivana ang kanyang Kuya Paolo na akala'y kung ano na ang hindi magandang nangyari.

Read also

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

Ivana Alawi, sinurpresa ng pinakabagong iPhone ang kanyang road manager
Ivana Alawi kasama ang kanyang road manager na si Paolo (Photo from Ivana Alawi)
Source: Facebook

"Kasi masungit siya, para sumaya," ani Ivana bago ibigay ang iPhone.

At nang iabot na niya ito sa kanyang Kuya Paolo, makikita ang sobrang kasiyahan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ngumiti na siya! Ayan para sa hardworking na manager," dagdag pa ni Ivana.

Matatandaang ang kanyang Kuya Paolo ang naging emosyonal nang mag-photoshoot muli si Ivana sa Okada.

Inalala kasi nila ang unang beses na nag-shoot si Ivana para sa isang Men's Magazine na halos daan-daanan pa lamang sila ng tao at tinatanong pa kung "sino si Ivana?"

At ngayong nagbunga na ang kanilang sipag at tiyaga sa showbiz, kasama parin siya ni Ivana na tuloy-tuloy ang pagtamasa ng biyaya at tagumpay.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Ivana Alawi, nag-celebrate ng birthday sa sosyal na hotel na may halagang Php1 million per night

Hindi lamang ang kanyang pamilya at kaibigan ang natutulungan ni Ivana. Katunayan, ilan sa mga vlog niya'y nagpapakita kung paano siya namamahagi ng biyaya sa mga kababayan nating nangangailangan.

Nang maimbitahan pa nga siya ng kapwa niya YouTuber na si Zeinab Harake para maglaro at ang premyo ay para sa matutulungan nilang batang may karamdaman, dinagdagan pa ni Ivana ang makukuhang premyo ng kanilang tutulungan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel