Madam Inutz, iniligtas ni Sir Wil nang magbagsak ito ng mahigit 57M diamonds

Madam Inutz, iniligtas ni Sir Wil nang magbagsak ito ng mahigit 57M diamonds

- Muling nailigtas si Madam Inutz sa eviction nitong Linggo sa kabila ng mababa nitong pwesto sa tally board nitong nakaraang mga araw

- Muntik na itong mangulelat sa eviction matapos siyang maungusan ng ibang mga housemates

- Gayunpaman, sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, muli siyang naligtas

- Nagbagsak ng mahigit 57 million diamonds si Sir Wil para masiguradong hindi ma-evict si Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling nakabawi si Madam Inutz sa tally board ng nominated housemates nitong Linggo matapos magbagsak ng mahigit 57M diamonds ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino. Muntik na itong mangulelat sa eviction matapos siyang maungusan ng ibang mga housemates.

Madam Inutz, niligtas ni Sir Wil nang magbagsak ito ng mahigit 57M diamonds
Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Sa kanyang tweet, binanggit ni Sir Wil ang tungkol sa pamba-bash ng mga keyboard warrior ng mga housemates na walang pang boto.

Read also

Kapamilya hosts, naluha sa awitin ni Angeline Quinto para sa mga biktima ni 'Odette'

Do or Die etong gabi. walang itatapon sa pitong HMs at take note lahat may sponsor. eto ay tinatawag PBB Sponsors edition season 10. pukpukan ng mga sponsors. kaya sa mga next edition bago kayo sumali. ihanda nyo katakot takot na bash sa mga keyboard warrior na walang pang boto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa mga nakaraang linggo ay pinakita din ni Sir Wil ang kanyang suporta sa alaga kaya nanatili ito sa loob ng bahay sa kabila ng makailang beses na mapasama sa mga nominadong mga housemates. Sina Alexa Ilacad at KD Estrada ang dalawang lumabas nitong huling eviction night.

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Read also

Wilbert Tolentino, pinasalamatan ang mga vlogger friends na todo suporta kay Madam Inutz

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapamanage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate