Maggie Wilson, nagpahiwatig ng maaring panganib sa buhay niya
- Sa kanyang paglabas ng kanyang saloobin matapos ipagkait sa kanyang makasama ang anak na si Connor, ibinahagi din ni Maggie Wilson ang ilang makahulugang pahayag
- Aniya, kung sa tingin ng mga tao ay naghiwalay silang mag-asawa dahil sa ibang lalaki, mali umano ito
- Dagdag pa niya, lalabas ang totoong dahilan kung bakit siya umalis sa takdang oras at aniya ay marami siyang pinagdaanan nitong nakaraang tatlong buwan at maging noong mga nakaraang taon
- Nabanggit niya rin na maaring may mangyaring hindi maganda sa kanya o di kaya'y sa kanyang mahal sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ani Maggie Wilson, hindi dahil sa ibang lalaki kaya siya umalis at nakipaghiwalay sa asawa. Sa takdang panahon ay lalabas umano ang mga dahilan kung bakit siya umalis. Dagdag pa niya, marami siyang pinagdaanan nitong nakaraang tatlong buwan at maging noong mga nakaraang taon.

Source: Instagram

Source: Instagram
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
There are strong reasons why I left and if you think I left because of another guy, you have no idea. Those reasons will be revealed in time. I have been put through so much over the last 3 months and more so the last few years.
Mayroon din umano siyang mga 'resibo' tungkol dito.
Judge me all you want. If you think you know, you haven’t seen anything yet. I have an entire vault just filled with receipts.
Nabanggit niya rin na maaring may mangyaring hindi maganda sa kanya o di kaya'y sa kanyang mahal sa buhay.
Lastly, if anything happens to me or anyone close to me, you know where to look.
Si Maggie Wilson ay isang TV Actress na isinilang noong March 15, 1989. Ang British-Filipino actress ay isa ding beauty queen at reality television personality. Kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.
Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko nina Maggie at Victor ang kanilang paghihiwalay ngunit anila'y mananatili silang magiging magkaibigan.
Naging usap-usapan din ang cryptic post ni Maggie tungkol sa kung ano ang nagpalakas sa kanila kasunod ng paghihiwalay sila ni Victor.
Source: KAMI.com.gh