Andi Eigenmann, ilalaan sa Siargao ang kita ng ilang YouTube videos nila

Andi Eigenmann, ilalaan sa Siargao ang kita ng ilang YouTube videos nila

- Ilalaan ni Andi Eigenmaan ang kita niya sa ilang YouTube video nila para sa muling pagbangon ng Siargao

- Sa kanyang Instagram post, inanunsyo niya ilang Christmas vlogs ang mapapanood sa kanilang channel na 'Happy Islanders'

- Isa ito sa naisip niyang paraan upang makatulong sa itinuring nilang tahanan, ang Siargao

- Marami pa rin kasi sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan ng bagyong Odette at isa na rito ang isla ng Siargao

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ido-donate ni Andi Eigenmann ang kita ng ilang video ng kanyang channel na 'Happy Islanders' sa biktima ng Bagyong Odette.

Nalaman ng KAMI na Instagram ni Andi, inanunsyo niya ang balak niyang gawin sa kikitain ng ilan nilang videos kung saan mapapanood pa ang mga kaganapan bago tumama ang Bagyong Odette sa Siargao.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

Andi Eigenmann, ilalaan sa Siargao ang kita ng ilang YouTube videos nila
Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram
"Our multiple vlog uploads for Christmas begins here, as we have promised. The following vlogs are of our last videos taken on the island up to the time we arrived in Manila."

Bagaman at nasa maayos na kalagayan ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanilang Isla, marami naman ang naapektuhan ang ari-arian at pangkabuhayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami rin sa kanilang lugar ang nakararanas ng gutom at kakulangan sa tubig na maiinom sa hirap na makarating doon ang mga donasyon.

At dahil 'tahana' nila umano ang Siargao, gumagawa rin si Andi ng paraan para matulungang makabangon ang kanilang lugar.

"With this, we will be using our earnings from our coming videos to help slowly rebuild our island and home again," aniya.

"Siargao has brought so much magic into my life and this will be our way of giving back to our community. To our home," dagdag pa ni Andi.

Read also

Alexa, nasaktan sa mga komento galing sa kanyang mga co-housemates

Si Andrea Nicole "Andi" Guck Eigenmann ay isang Filipina actress at model sa bansa. Siya ay anak ng mga batikang aktor na sina Mark Gil at Jaclyn Jose. Half-sister ng mga aktor na sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann at Max Eigenmann dahil sa kanyang ama.

Una nang naiulat ng KAMI, ang lungkot ni Andi sa akusasyon sa kanyang partner na si Philmar Alipayo. Lumutang na lamang ang balitang kumuha ng donasyon si Philmar sa pagbabalik nito sa Siargao.

Nilinaw ni Andi na ipinagpaalam ni Philmar ang dinala nitong tulong para sa kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan na naapektuhan din ng Bagyong Odette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel