Mygz Molino, tinupad pa rin ang request na birthday celebration ni Mahal

Mygz Molino, tinupad pa rin ang request na birthday celebration ni Mahal

- Naghanda pa rin ng simpleng selebrasyon si Mygz Molino para sa kanyang ka-tandem na si Mahal

- Matatandaang pumanaw na ang komedyante noong Agosto 31 ngayong taon

- 47 taon na sana siya at hiling niya talaga ang selebrasyon sa isang resort

- Mapapansin pa rin ang lungkot kay Mygz sa pagkawala ng kanyang 'cutie-cute', at sinabing mas masaya sana kung nabubuhay pa ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinupad pa rin ni Mygz Molino ang simpleng birthday celebration na hiling ng kanyang ka-tandem na si Mahal.

Nalaman ng KAMI na kahit namayapa na si Mahal noon pang Agosto 31, hindi pa rin nakalimutan ng kanyang ka-tandem at malapit na kaibigan na si Mygz ang kaarawan nito.

Mygz Molino, tinupad pa rin ang request na birthday celebration ni Mahal
Mygz Molino (@mygz.molino)
Source: Instagram

Kasama ang pamilya ni Mygz, tulong-tulong sila sa pagluluto ng mga ihahandang pagkain at dekorasyon kung saan makikita naman ang larawan ni Mahal na mababakas pa ang mga ngiti noong nabubuhay pa.

Read also

Kapamilya hosts, naluha sa awitin ni Angeline Quinto para sa mga biktima ni 'Odette'

Kwento ni Mygz, hiling talaga ito ni Mahal na magdiwang ng kanyang kaarawan sa isang resort kahit simple lamang ang selebrasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Isa ito sa ni-request niya noon noon pa, 'pag nagcelebrate siya ng birthday, isa ito sa gustong-gusto niyang mangyari," ani ni Mygz.

"Kung andito ka sana, mas masaya siguro no?" dagdag pa ni Mygz na mababakas pa rin ang lungkot sa biglaang pagkawala ng kanyang kaibigan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Mygz:

Si Mygz Molino ay isang vlogger na nakasama ng yumaong komedyanteng si Mahal Tesorero. Si Mygz ang ka-tandem nito sa mga vlog niya kaya naman labis itong naapektuhan sa pagkawala ni Mahal. Siya ang laging kasa-kasama ni Mahal sa mga raket nito kahit sa kanyang TV shows.

Read also

Zeinab Harake, nakapagbigay ng Php200,000 sa kanyang fan sa tulong ni Rabiya Mateo

Si Mygz din ang kasama ni Mahal nang dalawin niya ang kanyang kaibigang si Mura nang ibahagi ng vlogger na si Virgelyn ang kalagayan.

Matapos lamang ang ilang linggo mula ng kanilang pagkikita, labis namang nadurog ang puso ni Mura nang mabalitaang wala na ang kanyang kaibigan.

Kwento niyang may plano pa sana silang gumawa ng pelikula at iba pang proyekto at susunduin sana siya ni Mahal noong Setyembre.

Hindi man natuloy ang mga planong ito ng magkaibigan, marami naman ang natuwa nang pinasok na rin ni Mura ang pagiging vlogger.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel