Jennica at Alwyn, magkaiba ang sagot nang tanungin kung nagkabalikan na ba sila

Jennica at Alwyn, magkaiba ang sagot nang tanungin kung nagkabalikan na ba sila

- Magkaiba ang naging sagot nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco nang tanungin kung nagkabalikan na nga ba sila

- Sa kanilang guesting sa 'Mars Pa More' sabay nilang sinagot ang katanungan sa kanila ni Camille Pratts

- Si Alwyn ay nag-yes habang si Jennica naman ay nag-no at napapulaghak na lamang ng tawa pagkatapos

- Ipinaliwanag naman ni Jennica ang kanyang sagot na sinang-anyunan din naman ni Alwyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Magkaiba ang sabay na naisagot nina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco sa tanong kung sila ba'y nagkabalikan na.

Nalaman ng KAMI na nang mag-guest ang dalawa sa 'Mars Pa More', diretsahang naitanong sa kanila ng host na si Camille Pratts kung nagkaayos na ba ang dalawa.

Sabay man nilang sinagot ito ngunit nag-yes si Alwyn habang 'no' naman si Jennica.

Matapos na matawa ni Jennica dahil sa magkaiba nilang sagot, agad naman niyang ipinaliwanag kung bakit 'no' ang nasambit niya.

"It's too early to say eh. We're on the same page, of course we are believing in God for our marriage to work."

"It's just that, there's so much healing that needs to happen," dagdag pa ni Jennica

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa mga mabanggit ni Jennica ay ang proseso ng 'healing' sa mga pinagdaanan niya kamakailan.

"I still have unhealthy coping habits, so I'm really working on it," pag-amin ng Kapuso actress.

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Gumulantang na lamang sa publiko ang tanong ni Jennica kung paano papalitan ang kanyang apelyido sa kanyang Instagram account at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang social media account.

Sumunod na rito ang pag-alis nila sa tahanan nila ni Alwyn at ang kumpirmasyon ng kanilang paghihiwalay.

Subalit kamakailan lamang, masayang ibinahagi ni Alwyn sa kanyang social media na muli niyang nakasama ang kanyang mag-iina. Hudyat na nga umano ito ng pagkakamabutihan ng mag-asawa na nasa proseso pa rin ng pagsasaayos ng kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel