Angeline Quinto, humihikayat sa mga kaibigan na bumili ng ticket para sa shows niya ayon kay Cristy Fermin

Angeline Quinto, humihikayat sa mga kaibigan na bumili ng ticket para sa shows niya ayon kay Cristy Fermin

- Nabanggit ni Cristy Fermin ang tungkol sa paghihikayat ng isang singer sa mga kaibigan na bumili ng ticket para sa concert niya

- Kahit may trabaho ang boyfriend ng female singer at tatay ng magiging anak niya ay hindi naman kalakihan ang kinikita

- Ito ay sa kadahilanang karaniwang empleyado lang ito at sa mga pangangailangan ng mang-aawit ay tiyak na kapos na kapos ito

- Gayunpaman, kinlaro ni ‘Nay Cristy na hindi si Angeline ang nagbebenta ng tickets ng shows niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang online show na “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chica nitong Lunes, nabanggit ni Cristy Fermin ang tungkol sa kilalang female singer na nasa interesting stage ngayon.

Tsika sa kanya, mismong ang female singer ang humihikayat sa mga kaibigan na bumili ng ticket para sa on-going shows niya dahil kailangan niya ng extra income.

Read also

Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong

Angeline Quinto, humihikayat sa mga kaibigan na bumili ng ticket para sa shows niya ayon kay Cristy Fermin
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Kahit may trabaho ang boyfriend ng female singer at tatay ng magiging anak niya ay hindi naman kalakihan ang kinikita dahil karaniwang empleyado lang ito at sa mga pangangailangan ng mang-aawit ay tiyak na kapos na kapos ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakatuwa dahil wala pang gaanong clue na sinasabi si ‘Nay Cristy ay nahulaan na kaagad ng loyal viewers ng “CFM” kaya sa huli ay pinangalanan na rin niya na si Angeline Quinto ito at ang boyfriend niyang empleyado sa isang casino.

Gayunpaman, kinlaro ni ‘Nay Cristy na hindi si Angeline ang nagbebenta ng tickets ng shows niya sa Metropolitan Theater o MET na “10Q” dahil may producer ito na siyang namamahala sa marketing. Tatagal kasi ang show hanggang February, 2022.

Nang binanggit ng host at columnist na nagtatrabaho sa casino ang boyfriend ni Angeline ay naalala namin bigla ang tsikahan namin noon ng dalaga na magiging nanay na sa Abril, 2022, tungkol sa guy.

Read also

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

Si Angeline Quinto ay isa sa pinaka-sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Isa din si Angeline sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube videos nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel