Yen Santos, nag-post sa Instagram matapos ang pagbura niya ng dating mga posts

Yen Santos, nag-post sa Instagram matapos ang pagbura niya ng dating mga posts

- Matapos ng pagbura ni Yen Santos ng kanyang mga Instagram posts noong mga nakaraang buwan, muli itong nagbahagi ng kanyang picture

- Ito ay kalakip ng kanyang maiksing mensahe ng pagbati ngayong araw ng Kapaskuhan

- Matatandaang binura ni Yen ang lahat ng kanyang mga naunang IG post sa kasagsagan ng isyu kung saan iniuugnay siya kay Paolo Contis

- Sa kanyang pagkakadawit sa isyu ng hiwalayang Paolo at LJ Reyes, isa si Yen sa most searched celebrities sa Pilipinas sa Google Ph

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbahagi ng kanyang selfie si Yem Santos sa Instagram kalakip ng kanyang maiksing mensahe ng pagbati para sa araw ng Pasko. Makikita sa kanyang ibinahaging selfie ang isang Santa Claus figure.

Yen Santos, nag-post sa Instagram matapos ang pagbura niya ng dating mga posts
Photo from Yen Santos (@ysantos)
Source: Instagram

Matatandaang binura ni Yen ang lahat ng kanyang mga naunang IG post sa kasagsagan ng isyu kung saan iniuugnay siya kay Paolo Contis. Nagkasama sila ni Paolo sa isang pelikula na sa ibang bansa kinuhanan.

Read also

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

Kasunod nito ay binasag ni LJ Reyes ang pananahimik at tahasan niyang inamin na hiwalay na sila ni Paolo. Lalong naging matunog ang pangalan ni Yen nang lumabas ang mga litrato nila ng aktor na magkasama sa Baguio.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaan ding sinabi ng aktor sa kanyang Instagram post na niyaya niya lamang si Yen sa BAguio bilang isang kaibigan. Dito nagmula ang mga biro tungkol sa "Baguio with a friend."

Sa kabila ng kanyang pagsasalita ay hindi naman sinabi ni LJ ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Paolo. Wala din siyang binanggit na pangalan ng third party sa kanilang relasyon na nauwi sa hiwalayan.

Si Lilieyen Santos o mas kilala sa kanyang screen name na Yen Santos ay isang Pinay actress. Una siyang nakilala nang mapabilang siya sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010. Siya ang gumanp bilang si Ysabel Espiritu sa seryeng Pure Love, ang Pihilippine adaptation nh Korean drama series na 49 Days.

Read also

Sir Wil, todo suporta kay Madam Inutz: "Kahit tissue lang ulamin ko hanggang 2025"

Matapos siyang iugnay sa hiwalayang LJ Reyes at Paolo Contis, naging kontrobersiyal din si Yen. Sa katunayan, isa siya sa most searched celebrities sa Pilipinas sa Google Ph.

Samantala, nabanggit ng manager ni Paolo Contis na si Lolit Solis na si Yen umano ang sumusulsol sa aktor para huwag kausapin ni Paolo si Manay Lolit.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel