Karen Bordador, ayaw umanong panuorin kung sino ang nag-nominate sa kanya

Karen Bordador, ayaw umanong panuorin kung sino ang nag-nominate sa kanya

- Sa kanyang tweet, sinabi ni Karen Bordador na nasabi niya sa sarili na ayaw niya nang malaman kung sino ang nag-nominate sa kanya

- Hindi na rin umano niya titingnan kung ano ang mga sinabing dahilan ng mga nag-nominate sa kanya

- Aniya, ito ay para "clean slate" ang samahan nila at hindi pa rin naman daw siya natutuksong alamin

- Dagdag pa niya, nakakatawa lang na kailangan nilang maging malapit habang nasa loob sila ng bahay ngunit kailangan din nilang mag-nominate ng ma-e-evict

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa evicted Pinoy Big Brother housemate na si Karen Bordaor, hindi na mahalaga sa kanya kung sino ang nag-nominate sa kanya sa eviction at kung ano ang dahilan sa pag-nominate nila sa kanya.

Karen Bordador, ayaw umanong panuorin kung sino ang nag-nominate sa kanya
Pinoy Big Brother House (Photo from Flickr)
Source: UGC

Hindi pa rin naman umano siya natutuksong alamin ang tungkol dito at aniya ay gusto niyang "clean slate" para sa kanila kapag nasa labas na ang lahat.

Read also

Vicki Belo at kanyang pamilya, kinagiliwan sa kanilang TikTok video

So I told myself I wont bother to even check who nominated me and for what reason din... teehee. Syempre para clean slate outside for everyone. Still not tempted to know. Funny lang inside we're meant to be close and still to nominate each other at the same time. lol

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isa si Karen sa dalawang housemates na na-evict nitong nakaraang Linggo sa naganap na double eviction. Narito ang reaksiyon ng netizens sa tweet na ito ni Karen:

No one nominated you because of your attitude. I remember one time you were crying cause you wanted to know how you got nominated. Believe me, you're nomi for petty reasons because how you present yourself in the house was wonderful. We know you're a beautiful soul since day 1

Read also

Karen Bordador, usap-usapan dahil sa tweet tungkol sa paglabas ng PBB house

You were nominated because they just want you to spend time with your family. That is just a good reason and they are concerned about you.
Don’t worry! The nomination reasons they gave you weren’t harsh

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Matatandaang naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin Dizon kay Jie-Ann noong nakaraang season ng Pinoy Big Brother.

Samantala, Bago ang eviction nila ni TJ, nauna nang na-evict si Kyle Echarri.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel