‘The Guy Behind the Black Face Mask’ KMJS episode, may 20 million views na

‘The Guy Behind the Black Face Mask’ KMJS episode, may 20 million views na

- Umabot na sa mahigit 20 million ang views ng 'Kapuso mo, Jessica Soho' episode na ‘The Guy Behind the Black Face Mask’

- Ito ay tungkol sa babaeng hinahanap ang guy na nahagip ng kanyang video nang minsan siyang nagpunta sa tiangge sa Marikina

- Bago pa man niya mabura ang ilang video sa kanyang cellphone na full storage na, nakita niya ang kuha niya sa tiangge na nahagip ang lalaking napangiti kahit naka-face mask

- Sa tulong ng KMJS, nakilala na ng babae ang guy sa video na noon pa ma'y nakakasama na pala niya nang hindi niya napapansin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot na sa mahigit 20 million ang views ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) episode na ‘The Guy Behind the Black Face Mask’ makalipas lamang ang dalawang araw mula nang ito ay maipalabas.

Read also

Chad Kinis, emosyonal nang isurpresa ng maayos na tirahan ang homeless college student

Nalaman ng KAMI na ito ay tungkol kay Jessa Ba-at na kamakaila'y nag-viral sa paghahanap sa lalaking nahagip ng kanyang video nang minsan siyang nagpunta sa tinangge sa Marikina.

Ngumiti ang lalaking ito sa video kaya naman lalong na-intiriga si Jessa kung sino ito. Doon niya naisipang ibahagi ito sa social media at nagpatulong na rin siyang makilala kung sino ang lalaking iyon.

‘The Guy Behind the Black Face Mask’ KMJS episode, may 20 million views na
Sina Jessa at Christian sa kanilang unang pagkikita (Photo: Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Sa tulong ng programang KMJS, nagkita ang dalawa. Doon nila napag-alaman na nakasama na pala nila ang isa't isa sa pageant na kanilang sinalihan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa lalaki sa video na si Christian, mayroon siyang girlfriend noong panahong sumali sila sa pageant ni Jessa kaya hindi siya masyadong nakikipag-usap o nagiging interesado sa ibang babae.

Ngunit ngayon, parehong single ang dalawa subalit kinikilala muna ang isa't isa.

Read also

Nagpakilalang pulis na umano'y nagbanta kay Sachzna Laparan, tukoy na

Sa dami ng mga kinilig sa kanilang kwento, pumalo na nga sa mahigit 20 million ang mga nanonood sa Facebook pa lamang ng KMJS.

Narito ang kabuuan ng episode na ‘The Guy Behind the Black Face Mask':

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Matatandaang naitampok din sa KMJS ang nag-viral na magkababatang nahanap ang isa't isa sa pamamagitan ng TikTok post ng babae na hinahanap ang dati niyang kalaro.

Bagaman at maraming nagpakilalang sila ang batang lalaki sa larawan ni Julienne o 'Yen', tanging si Kenneth o 'Ken' ang nakapagpatunay na siya nga ang kababata nito.

Sa tulong ng KMJS nagkita ang dalawa na nasa magkaibang bahagi lamang ng Palawan.

Sa ngayon, mayroon na silang YouTube channel kung saan mayroon na silang halos kalahating milyong subscribers dahil marami ang sumubaybay sa kinahinatnan na ng kanilang pagkikita.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica