Bea Alonzo, pinabilib ang mga netizens sa kanyang pagiging hands-on sa farm nila

Bea Alonzo, pinabilib ang mga netizens sa kanyang pagiging hands-on sa farm nila

- Masaya si Bea Alonzo na nakabalik siyang muli sa kanilang farm matapos ang kanyang mga ginawang TV projects at iba pang trabaho

- Sa kanyang pagbabalik sa kanilang farm, pinakita niya ang vegetable garden ng kanyang mama kung saan umani din siya ng mga gulay

- Sinubukan niya ring gumamit ng traktora at siya mismo ang nag-trim ng mga damo sa isang bahagi ng kanilang farm

- Marami sa mga netizens ang bumilib sa kanyang pagiging hands-on sa farm nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pinabagong vlog, pinakita ni Bea Alonzo ang vegetable garden ng kanyang ina. Hindi niya ito naipakita sa kanyang naunang farm tour dahil inabot na siya noon ng ulan. Aniya, masaya siyang nakabalik siyang muli sa kanilang farm matapos ang kanyang mga ginawang TV projects at iba pang trabaho.

Bea Alonzo, pinabilib ang mga netizens sa kanyang pagiging hands-on sa farm nila
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Tinuruan din siya ng kanyang kapatid kung paano magmaneho ng kanilang tractor na ginagamit sa kanilang farm. Sinubukan ng aktres na magputol ng mga damo gamit ang traktora.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami sa mga netizens ang bumilib sa kanyang pagiging hands-on sa farm nila:

Tanduay calendar girl pero nag farming dinWalang arte ang Queen Bea ko.
Good investment of your money farm! Your family farm is very organized and clean maaliwalas tingnan at sarap siguro sa morning dyan kc fresh air! nice to know that your interested to try the equipment and learn to operate it! sana next time try mo din un mag tanim ng mga vegie seeds for a change of work hehehe! happy that your family is taking care of your farm.
Bea is so engaging on everything that she does. Always willing to learn new things. So productive. Sana all . She is always respectful to her brother. Good vibes always...

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel