Ronnie Alonte, sinorpresa si Loisa Andalio sa kanilang ika-limang taon bilang magkasintahan

Ronnie Alonte, sinorpresa si Loisa Andalio sa kanilang ika-limang taon bilang magkasintahan

- Sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ikalimang taon bilang magkasintahan, isang sorpresa ang inihanda ni Ronnie Alonte para kay Loisa Andalio

- Marami ang kinilig sa inihandang candle light dinner setup ni Ronnie at bulaklak para sa kasintahan

- Sa kanyang mensahe ay inihayag ni Ronnie kung gaao niya kamahal si Loisa

- Bumuhos naman ang pagbati para sa magkasintahan na kilala din ang tambalan sa bansag na "Loinie"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpasabog ng kilig ang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio matapos ibahagi ng aktor ang kanyang naging sorpresa para kay Loisa para sa kanilang ikalimang taon bilang magkasintahan.

Ronnie Alonte, sinorpresa si Loisa Andalio sa kanilang ika-limang taon bilang magkasintahan
Loisa Andalio (@iamandalioloisa)
Source: Instagram

Marami ang kinilig sa inihandang candle light dinner setup ni Ronnie at bulaklak para sa kasintahan. Sa kanyang mensahe ay inihayag ni Ronnie kung gaao niya kamahal si Loisa.

Ikalimang taon para satin dalawa! Mahal na mahal kita mas higit pa sa iniisip mo.

Read also

Pagbati ni Kimpoy Feliciano kay Heaven Peralejo, viral na

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan naman ni Loisa si Ronnie sa inihanda nitong sorpresa sa kanya.

Bumuhos naman ang pagbati para sa magkasintahan na kilala din ang tambalan sa bansag na "Loinie:"

oah! Grabe r2 So Happy to u both naiiyak ako sa tuwa pra sa inyo Happy 5th year Anniversary and counting...Stay strong,happy and inlove ❤️ God Bless. arang kailan lang nung na stranded kayo sa Capiz. Huhuhu. Happy 5 years behbehs.
Walang nagbago sa kilig ko sa inyong dalawa mula 2015 ❤️ Grabeeeeee dati palayag layag lang, tapos ngayon waaaaah Yung support and kilig ko sa inyo consistent!!!! Mahal ko kayong dalawaaaa @iamr2alonte @iamandalioloisa God bless you both. You two are imperfect pieces that fit perfectly together.
Grabeee Ang sweet mo Ronnie Ang swerte ni loisa. Happy 5th Years Anniversary stay strong and still counting continue to inspire everyone Iloveyou both

Read also

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

Samantala, ibinahagi naman ni Loisa ang kanilang pictures na magkasama sa kanyang post kung saan binati niya rin si Ronnie sa kanilang 5th anniversary.

Si Loisa Andalio o Josefina Loisa Francisco Andalio sa totoong buhay ay isang Filipino actress at dancer. Naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: All In, kung saan nakilala siya bilang ang "Talented Darling ng Parañaque".

Si Loisa ang kasintahan ng aktor na si Ronnie Alonte sa totoong buhay. Kamakailan ay pinabulaanan nila na sila nagsasama na sa isang bahay.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel