Zeinab Harake, ipinakita ang BTS ng 'Karma' music video kasama si Bea Alonzo

Zeinab Harake, ipinakita ang BTS ng 'Karma' music video kasama si Bea Alonzo

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang behind the scenes ng music video ng 'Karma' ng kanyang partner na si Skusta Clee

- Kasama sa naturang music video sina Gloc-9 at maging ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo

- Masaya si Zeinab na makasama muli si Bea na una niyang nakasama sa mga collab nila sa kani-kanilang YouTube channel

- Maging ang anak nila ni Skusta na si Baby Bia ay nakasama nila ng isang araw sa shoot, pampawala umano ng pagod ng ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita ni Zeinab Harake ang mga naging kaganapan sa shoot ng music video ng 'Karma' ng kanyang partner na si Skusta Clee.

Nalaman ng KAMI na kasama umano sa naturang music video sina Gloc-9 at Bea Alonzo.

Zeinab Harake, ipinakita ang BTS ng 'Karma' music video kasama si Bea Alonzo
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Masaya raw si Zeinab na nagkasama ang dalawang "love" niya sa isang music video

Read also

Nagpabakuna kontra COVID-19, nagka-love life at magkasabay na sa kanilang 2nd dose

"Sobrang excited ako kasi 'yun gna ang saya, yung dalawang love ko magkasama sa MV which is Ma'am Bea and asawa ko syembre walang iba"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagdating ni Bea, agad na ipinakita ni Zeinab ang set ng music video shoot.

Aminado naman ng kabado pero excited si Skusta Clee sa eksena nila ni Bea kaya naman kinantsawan siya ni Zeinab na mag-aala "Popoy" ito ng bagong Kapuso aktres.

Sa unang araw pa ng kanilang shoot, isinama nila ang kanilang baby Bia sa set, para lalong ganahan si Skusta at pampawala raw ng pagod nito.

Labis na nagpasalamat sina Skusta at Zeinab kay Bea na nagpaunlak na mapasama sa music video ng Ex-Batallion member.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: Kami.com.ph

Online view pixel