Video ni Tali na nakanta ang buong Eat Bulaga theme song, kinagiliwan ng netizens

Video ni Tali na nakanta ang buong Eat Bulaga theme song, kinagiliwan ng netizens

- Kinagigiliwan ngayon ng marami ang super cute na video ni Tali na kumakanta ng Eat Bulaga Theme Song

- Ibinahagi ito ng kanyang Mommy Pauleen Luna kung saan kuha raw ito para sa 42nd anniversary ng longest-running noontime show

- Aniya, 3.5 years old lamang si Tali nang kuhanan niya ng video na ito ngunit kitang-kita na raw niya ngayon ang pagkakaiba ngayon na

- Matatandaang bahagi rin si Tali ng Christmas song ng Eat Bulaga para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong 2021

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Super cute na kinanta ni Tali ang theme song ng Eat Bulaga na kinagiliwan ng marami.

Ibinahagi ng kanyang Mommy Pauleen Luna-Sotto ang almost 1-minute video ni Tali kung saan nakanta nito ng buo ang sikat na opening theme ng longest running noontime show.

Read also

Neri Miranda sa regalong unli-shopping ni Chito: "Wow naman, ang bait!"

Video ni Tali na nakanta ang buong Eat Bulaga theme song, kinagiliwan ng netizens
Talitha Sotto (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Kwento pa ng kanyang Mommy Pauleen, nalimutan na nga raw niya halos ang video na ito na kanilang nai-record para sa 42nd anniversary ng Eat Bulaga.

Wala pa raw 4 years old nito si Tali gayung kuha ito ilang buwan lamang ang nakalilipas subalit kapansin-pansin raw ang pagkakaiba ni Tali sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman paalala ni Mommy Pauleen; "Time indeed does fly.... let us cherish every moment with the ones we love because NOW only happens once."

Matatandaang kasama rin si Tali sa Christmas song ng Eat Bulaga bilang isa sa mga kumanta nito.

Ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas. 1979 pa nang una itong maisa-ere sa RPN 9 kung saan orihinal na host na nito ang TVJ o ang "Tito, Vic and Joey."

Read also

Claudine Barretto, pinakilig ang mga fans nila ni Rico Yan sa binahaging love letter

Mula taong 1995, GMA na ang naging tahanan ng Eat Bulaga hanggang sa kasalukuyan. Isa sa pinakaaabangang portion ng noontime show ay ang 'Bawal Judgmental' kung saan iba't ibang kwento ng kanilang mga panauhin ang naibabahagi at nagiging inspirasyon sa marami.

Matatandaang nag-viral din ang nakamamanghang kwento ng pag-ibig ni Danny Cortezano at ang kanyang namayapa nang misis na si Lorna.

Buong tapang na naikwento rin ni Danny sa 'Bawal Judgmental' ang masasayang taon na nakasama niya ang misis hanggang sa mga huling sandali nito lamang Disyembre ng 2020 bago ito bawian ng buhay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica