Paul Salas, aminadong nag-away sila ng ex dahil kay Donnalyn Bartolome

Paul Salas, aminadong nag-away sila ng ex dahil kay Donnalyn Bartolome

- Sumabak sa Sagot o Sagot challenge si Donnalyn Bartolome kasama ang kanyang guest na si Paul Salas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Dito napag-usapan nila ang tungkol sa pag-amin noon ni Paul na crush niya si Donnalyn na dati pa niyang nakasama sa isang project

- Isa sa naitanong ni Donnalyn kay Paul ay kung nag-away ba sila dati ng kanyang ex dahil sa kanya

- Inamin naman ni Paul na pinag-awayan nga nila ng kanyang ex si Donna lalo at umamin siyang crush niya ito sa isang presscon

Marami ang kinilig sa video na ibinahagi ni Donnalyn Bartolome kung saan nakasama niya ang aktor na si Paul Salas. Ngayon lang umano sila muling nagkaroon ng pagkakataon na maging magkaibigan lalo at parehas na silang single.

Paul Salas, amindong nag-away sila ng ex dahil kay Donnalyn Bartolome
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Diego Loyzaga, hindi nagpatinag sa mga binunyag ni Xian Gaza

Sumabak ang dalawa sa Sagot o Sagot challenge. Sa challenge na ito ay kailangan nilang sagutin lahat ng katanungan nila sa isa't-isa.

Inamin naman ni Paul na pinag-awayan nila ng isa sa kanyang ex si Donnalyn. Naitanong din naman ni Paul kung napag-awayan din ni Donnalyn at ex nito si Paul.

Ayon kay Donna, napag-awayan nila si Paul nang malaman ng kanyang ex na niyaya ng aktor si Donnalyn na kumain sa labas.

Ani Paul noong mga panahong iyon ay hindi niya pa alam na may boyfriend si Donnalyn. Naging emosyonal pa rin si Donna habang sinasagot niya ang tanong ni Paul kung ano talaga ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang ex.

Aniya, kahit willing itong mag-sacrifice para sa kanilang relasyon, nakikita niyang hindi na ito masaya kaya mas pinili niyang makipaghiwalay na lang sa dating karelasyon.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Read also

Ryan Bang, inaming sumama ang loob noon sa ina nang malamang dishwasher ito

Bilang isa sa kilalang YouTuber at social media influencer sa bansa, kadalasan ay pumapatok at usap-usapan ang mga videos na ginagawa ni Donnalyn. Nag-trending kamakailan ang kanyang video kung saan ginawa niya kasama ang ilang pang mga social media personalities ang Pinoy Squid Game.

Tinupad din niya ang pangarap ni Rastaman na maranasan kung paano mangampanya.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel