Donnalyn Bartolome, tinupad ang pangarap ni Rastaman na mangampanya
- Matapos niyang makasama sa kanyang Pinoy version ng Netflix hit na 'Squid Game', muling nakasama ni Donnalyn Bartolome si Rastaman
- Minabuti ni Donnalyn na tuparin ang pangarap ni Rastaman na maramdaman kung paano maging kandidato matapos siyang ma-disqualify sa pagtakbo
- Naghanda si Donnalyn ng mga kakailanganin ni Rastaman para sa kanyang pangangampanya
- Ani Donnalyn, pinipilit niya na rin na mag-vlog si Rastaman para magkaroon ito ng source of income
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nabanggit ni Donnalyn Bartolome sa kanyang vlog na pinipilit niyang mag-vlog na rin si Rastaman upang magkaroon ito ng mapagkakakitaan. Ito ay matapos niyang makasama sa kanyang Pinoy version ng Netflix hit na Squid Game.
Tinulungan niya rin ito sa pamamagitan ng pag-promote ng YouTube channel ni Rastaman,
Dahil hindi napayagang makatakbo, minabuti ni Donna na iparamdam kay Rastaman kung paano mangampanya.
Naghanda si Donna ng ilang kakailanganin nila sa kampanya kagaya ng tarpaulin, sasakyan at may tsokolate pa siyang pinamigay habang naglilibot sila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Paglilinaw naman ni Donnalyn, sana ay maging paalala sa mga tao na seryosohin ang pagboto dahil kinabukasan ng bansa ang nakasalalay sa magiging resulta ng eleksiyon.
Narito ang reaksiyon ng mga viewers ni Donnalyn:
While others are making fun of rastaman, Donna here is genuinely helping him out. Kudos to Donna for showing us how wholesome and funny rastaman is despite the memes we see.
I don't get it why people are bashing Rastaman. I think he's genuinely kind and warm-hearted. The way he speaks shows his character. Kahit na kwela siya minsan, may depth naman mga sinasabi niya about life.
Heartwarming to see someone supporting rastaman despite all the memes and bashing. Thank you Ms. Donna for letting him experience this. You're so genuine
Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.
Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.
Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.
Source: KAMI.com.gh