Camille Prats, pinakita ang kanyang pagbuhat ng 65 kg na weights

Camille Prats, pinakita ang kanyang pagbuhat ng 65 kg na weights

- Sa kanyang Instagram post, pinakita ni Camille Prats ang kanyang unang pagbuhat ng barbell

- Ibinahagi niyang tinuruan siya ng TV host at rugby union player na si Eric Tai o kilala din bilang si Eruption

- Umabot sa 65 kilos ang barbell na binuhat ni Camille at aniya ay ito ang kanyang unang paghawak at pagbuhat nito

- Marami ang humanga at bumilib sa TV host actress dahil sa pinapakita nitong dedikasyon sa kanyang fitness

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinakita ni Camille Prats na hindi lang pagwo-work out ang kaya niyang gawin. Sa kanyang panibagong post ay sinubukan niya ang weight lifting. Naibahagi niya ang isang maiksing video kung saan nagbuhat ito ng 65 kilos na barbell.

Camille Prats, pinakita ang kanyang pagbuhat ng 65 kg na weights
Camille Prats (@camilleprats)
Source: Instagram

Ayon kay Camille, tinulungan siya ng TV host at rugby union player na si Eric Tai o kilala din bilang si Eruption sa kanyang pagsasanay sa pagbubuhat. Dagdag pa niya, ito ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng barbell at hindi ito ang magiging huli.

Read also

Kapatid ni Chie Filomeno, pinagtanggol ang kapatid sa mga pambabatikos

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Trained with @eruption23 and he gradually coached me as we increase weights to... 65kgs! First time to get my hands on a barbell and definitely won't be the last loveyyy you gonna be proud of meeee @vjyambao1

Marami sa kanyang mga followers ang lalong napahanga sa TV host:

Ayie❤️ Nice seeing the same fitness enthusiast It's addicting lifting weights I swear. Whhhaaaahh!!! Ikaw na Mars! Grabe ni Roni..napakalas na niya!
When you realize that your body was meant to be fit and powerful, when you surpass tht pt when its all about aesthetic reasons.
Wooooooooowww!!!! Idol na kitaaaa @camilleprats galing! That’s great! Please wear a belt for next time. Safety first when lifting

Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats–Yambao o mas kilala sa kanyang screen name na Camille Prats ay isang Filipina actress, host, at businesswoman. Siya ang nakababatang kapatid ng aktor at direktor na si John Prats. Isa sa pinaka sumikat niyang pelikula na pinagbidahan niya ay ang Sarah... Ang Munting Prinsesa.

Sa post kamakailan ni Camille kung saan binati niya ang kapatid na si John Prats, naging usap-usapan ang komento ni Kim Atienza. Gayunpaman, nilinaw din ni Kuya Kim ang kanyang komento kamakailan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel