Maymay Entrata, pinuri ng mga singers sa kanyang Wish bus performance

Maymay Entrata, pinuri ng mga singers sa kanyang Wish bus performance

- Trending sa YouTube ang live performance ni Maymay Entrata sa Wish Bus kung saan kinanta niya ang kanyang awiting "Amakabogera"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Marami ang humanga sa aktres dahil sa pinakita nitong husay sa pagkanta

- Maging ang mga sikat na mang-aawit sa bansa ay pinuri siya at nagalingan sa kanya

- Sa kasalukuyan top 5 trending ang kanyang Wish bus performance at patuloy pang dumarami ang bilang ng views ng kanyang video

Pinatunayan ni Maymay Entrata na kabogera nga siya pagdating sa kantahan. Matapos ilabas ang music video ng kanyang awiting "Amakabogera," nagperform si Maymay sa Wish bus at marami ang namangha lalo at live ang kanyang performance.

Maymay Entrata, pinuri ng mga singers sa kanyang Wish bus performance
Maymay Entrata (@maymay)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Heart Evangelista, 8 luggage ang bitbit sa lock-in taping

Marami ang humanga sa aktres dahil sa pinakita nitong husay sa pagkanta. Maging ang mga sikat na mang-aawit sa bansa ay pinuri siya at nagalingan sa kanya. Sa kasalukuyan top 5 trending ang kanyang Wish bus performance at patuloy pang dumarami ang bilang ng views ng kanyang video.

Kabilang sina Morisette Amon, Moira dela Torre, Kakai Bautista, KZ Tandingan, Marlo Mortel, Zephanie Dimaranan, TJ Monterde ang ilan sa mga mang-aawit na pumuri sa kanya.

Narito naman ang reaksiyon ng netizens sa kanyang performance:

Really maymay !!! ???? I didn't know na ganito pala ka ganda boses mo ! na shocked ako nung nalaman kong ikaw pala ang kumanta nito. Hanap ako ng hanap if sino ba talaga original na kumanta nito! Labyoo maymay ! Galing!
The amount of minor notes and sustained notes in this song, and her precision!!! Galing mo dai. Ikaw na talaga.
Grabe yung inimprove ni Maymay. Nagulat ako sa live version na to. Ang galing galing!!! Congrats Maymay!! Keep shining laaang!

Read also

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghalingbig winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye . Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Si Maymay ang unang Filipina na makasali sa Arab Fashion Week.

Kamakailan ay nakiusap si maymay na tigilan na ang pagpapapakalat ng fake news sa kanila ni Donny Pangilinan. Pinabulaanan niya ring naging karelasyon niya si Edward Barber.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel