Maymay Entrata, nakiusap na sana ay matigil na ang pagpapakalat ng tsismis sa kanila ni Donny Pangilinan
- Sa isang tweet ay pinasalamatan ni Maymay Entrata ang lahat ng mga taong nagpapakita ng pagsuporta sa kanya
- Gayunpaman, isang pakiusap ang kanyang binitawan para sa mga fans nila ng aktor na si Donny Pangilinan
- Hiniling niya na sana ay matigil na ang pagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
- Nagkaroon ng mga tagahanga ang dalawa at kilala sila sa tawag na MayDon fans matapos magkasama ng dalawa sa iWant ASAP
Minabuti ni Maymay Entrata na makiusap sa mga taong nagpapakalat ng tsismis sa kanila ni Donny Pangilinan. Sa pamamagitan ng isang tweet ay inihayag ni Maymay ang kanyang saloobin hinggil dito.
Ipinagpasalamat niya sa lahat ng taong sumoporta sa kanya ang natanggap na pagmamahal. Gayunpaman, nilinaw niyang walang namamagitan sa kanila ni Donny Pangilinan.
Kaya naman pakiusap niya sa MayDon fans na sana ay itigil na ang pagpapakalat ng tsismis tungkol sa kanila.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gusto kong mag pasalamat sa bawat isa sa mga sumuporta sakin since day one. Sa lahat ng MayDon fans thank you pero gusto ko rin pong klaruhin na wala pong namamagitan saaming dalawa. Sana ma stop po ang pag spread ng rumors about samin. Maraming salamat po.
Si Marydale Entrata o mas kilala sa kanyang screen name na Maymay Entrata ay nakilala bilang isang actress, singer, television host at model. Sumikat siya matapos siyang tanghalin na Big Winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2017.
Matapos niyang manalo sa PBB ay naging talent siya ng Star Magic at naging bahagi ng ilang mga pelikula kagaya ng Loving in Tandem (2017). Naging bahagi din siya ng mga pelikulang Da One That Ghost Away (2018) and Hello, Love, Goodbye (2019). Siya ang kauna-unahang Pinay na naging bahagi at rumampa sa Arab Fashion Week.
Kamakailan ay kinaaliwan ang video nila Maymay, Kim Chiu at Lie Reposposa kung saan isinalin nila ang mga awiting Tagalog sa Bisaya.
Matatandaang naging usap-usapan ang naging panayam sa kanya ni Edward Barber kung saan tinanong siya nito kung may pag-asa pa silang dalawa.
Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa bawat salitang maaring makakasira sa imahe ng ibang tao.
Source: KAMI.com.gh