Kiray Celis, umalma sa komento na pera niya ang pinangbili ng regalo sa kanya

Kiray Celis, umalma sa komento na pera niya ang pinangbili ng regalo sa kanya

- Buong pagmamalaking pinasalamatan ni Kiray Celis ang boyfriend na si Stephan Estopia

- Ito ay matapos siyang bigyan nito ng mamahaling gamil na aniya ay halos katumbas lang ng isang buwang kita nito

- Tinawag niya ring makitid ang utak ng mga taong nagsasabing si Kiray lagi ang gumagastos at siya lang din ang bumili ng mga regalong iyon

- Aniya, kaya lang may mga nasasabing ganoon ang mga bashers ay hindi sila nireregaluhan ng kanilang mga karelasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Muling ibinida ni Kiray Celis ang isang mamahaling sandals at cellphone na bigay daw sa kanya ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia. Pinasalamatan ni Kiray ang boyfriend dahil sa ginagawa nito sa kabila ng mga negatibong komento.

Kiray Celis, umalma sa komento na pera niya ang pinangbili ng regalo sa kanya
Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Ani Kiray, halos katumbas lang ng isang buwang kita nito sa pag-stream at endorsement ang kabuoang presyo ng mga natanggao na regalo.

Tinawag niya ring makitid ang utak ng mga taong nagsasabing si Kiray lagi ang gumagastos at siya lang din ang bumili ng mga regalong iyon. Aniya, kaya lang may mga nasasabing ganoon ang mga bashers ay hindi sila nireregaluhan ng kanilang mga karelasyon.

Masyadong mahal tong LV na sandals at IPHONE 13 para iregalo ni @stephan.estopia. Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya. Pero hindi yun naging hadlang para hindi niya daw maibigay lahat ng gusto ko.. Kaya nagpapasalamat ako sa jowa ko kasi kahit hindi naman niya kailangan patunayan sainyo.. at dahil sa makikitid na utak niyo na kesyo ako lagi gumagastos, ako bumili, ako naglabas eh ginagawa niya parin..

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis o si Johanna Ismael Celis sa totoong buhay ay sumikat sa industriya ng showbiz nang manalo siya patimpalak na Muntíng Miss U sa noontime show na MTB. Siya ay na-discover sa edad na 4 na taon. Naging isa din siya sa original cast ng Goin' Bulilit" at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng "Mara Clara", "Luv U" at "Growing up".

Matatandaang sa isa sa pinakabagong vlog ni Kiray ay pinakita niya ang pagpapatattoo ng kanyang boyfriend. Kinakiligan ito ng mga netizens at marami sa mga ito ang napa-"sana all."

Kamakailan ay minabuti din ni Kiray na linawin ang mga isyu kaugnay sa mga pictures niya kasama ang modelong si Kirst Viray na dati na ring naiugnay sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel