Ogie Diaz inalam ang birthday greeting ni Julia kay Coco: "Anong sabi ng girlfriend ni Coco?"

Ogie Diaz inalam ang birthday greeting ni Julia kay Coco: "Anong sabi ng girlfriend ni Coco?"

- Nadulas lang daw si Ogie Diaz nang masabi niyang 'girlfriend ni Coco' si Julia Montes

- Isa kasi sa napag-chikahan ni Mama Loi sa kanilang Showbiz Update ang tungkol sa birthday greeting ni Julia Montes kay Coco Martin

- Pabirong sinabi ni Ogie na siya na ang umamin para sa dalawa at nadulas lamang siya

- Kamakailan, maraming larawan nina Coco at Julia na magkasama ang lumabas lalo na at bahagi na rin ng 'Ang Probinsyano' ang aktres

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makulit na sinabi ni Ogie Diaz na 'girlfriend ni Coco' ang aktres na si Julia Montes.

Nalaman ng KAMI na sa kanyang Showbiz Update kasama si Mama Loi, isa sa mga napag-usapan nila ang tungkol sa birthday greeting ni Julia sa rumored boyfriend nitong si Coco Martin.

November 1 kasi ang kaarawan ng 'Ang Probinsyano' actor at sa pamamagitan ng isang socmed post, binati siya ni Julia.

Read also

Ogie Diaz, nagulat din sa rebelasyon ng 'McLisse': "Di naman kami ganun ka-talas"

Ogie Diaz sa birthday greeting ni Julia kay Coco: "Anong sabi ng girlfriend ni Coco?"
Photo courtesy: Ogie Diaz
Source: Facebook

"Anong sabi ng girlfriend ni Coco?" ang nasabi ni Ogie na ikinagulat din ni Mama Loi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ako lang ang umamin," dagdag pa ni Ogie at binasa na ni Mama Loi ang pagbati.

Matapos ito, tinanong ni Mama Loi kung bakit nasabi ni Ogie na 'girlfriend ni Coco' si Julia.

"Nadulas lang! 'Di ba pwedeng nadulas lang" ang sagot naman sa kanya ni Ogie.

Sa kabila ng makailang beses na nakikitang magkasama maging sa out-of-town trip ang dalawa, wala pa rin diretsahang pag-amin mula sa kanila ang nagaganap patungkol sa namamagitan sa kanila lalo na at magkasama na rin sila sa 'FPJ's Ang Probinsyano.'

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Alex, Toni at Seve bilang sina Miss Minchin, Sarah Crew at Cedie, kinagiliwan ng netizens

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel