'The Hungry Syrian Wanderer' at 'Miss Everything', nagkulitan sa "Get PHirst Challenge"
- Nagkasama sa isang challenge ang mga YouTube Stars na sina Miss Everything at The Hungry Syrian Wanderer
- Naimbitahan sila ng PHirst Park Homes para sa isang challenge kung saan ang kanilang mapapanalunan ay maibibigay sa kanilang chosen beneficiary
- Dahil dito, nagkakulitan sina Basel at Miss Everything sa una nilang pagkikita
- Nakasama rin nila ang popular na TikTok star na si Justine Luzares na nakilala sa kanyang pagiging 'sosyal na Marites' dahil sa kanyang accent
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagkakulitan ang mga influencers at YouTubers na sina Jeric Camatao mas kilala bilang si 'Miss Everything' at si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer.'
Ito ay nang magkasama sila sa isang challenge ng PHirst Park Homes kung saan nakasama rin nila ang DJ na si "Gandang Kara" at ang isa ring TikTok star na si Justine Luzares na sumikat sa pagiging 'sosyal na Marites' dahil sa kanyang accent na hinangaan ng marami.
Sa unang pagkikita pa lamang, pinunasan na agad ni Miss Everything si Basel ng pawis dahil 'watery' na raw ito.
Pilit na kinakausap pa rin ni Basel si Miss Everything kahit wala raw umano siyang naiintindihan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, ang mapapanalunan naman nila sa challenge na ito ng PHirst Park Homes ay mapupunta sa kanilang chosen beneficiaries.
Narito ang kabuuan ng makulit nilang video na ibinahagi sa 'Hungry Syrian Vlogs':
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO Retro Diner.
Kamakailan, nabiyayaan ni Basel ng motorsiklo ang isang delivery rider na napansin niyang bike lamang ang gamit sa pagtatrabaho.
Gayundin ang kanya mismong kasambahay na nagulat nang makitang iPhone 12 pala ang handog sa kanya ni Basel.
Source: KAMI.com.gh