Herlene Budol nireplyan ng kanyang idol na si Jak Roberto sa IG after 4 years

Herlene Budol nireplyan ng kanyang idol na si Jak Roberto sa IG after 4 years

- Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Herlene Budol ang screenshot ng kanilang conversation ni Jak Roberto

- Kapansin-pansin na taong 2017 nang unang nagmessage si Herlene sa kanyang idol na si Jak

- Makikita ang reply ni Jak sa kanya nito lamang Agosto ng kasalukuyang taon at inihingi niya ito ng paumanhin

- Ibinahagi ito ni Herlene kalakip ng kanyang pagpromote ng programang 'Dear Uge' kung saan makaka-eksena niya ang kanyang idol na si Jak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinaaliwan ang ibinahaging screenshot ni Herlene Budol kung saan pinakita niya ang kanyang mensahe kay Jak Roberto na idol niya. Taong 2017 nang una siyang nagsend ng message. Gayunpaman, nito lamang Agosto ng kasalukuyang taon siya nareplyan ni Jak.

Herlene Budol nireplyan ng kanyang idol na si Jak Roberto sa IG after 4 years
Herlene 'Hipon' Budol (@herelene_budol)
Source: Instagram

Payo niya sa mga kagaya niyang fan, huwag mawalan ng pag-asa dahil kung dati ay idol at crush niya lang si Jak, ngayon ay makaka-eksena niya pa.

Read also

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

Alam nyoba na si Jak Roberto ang crush ko dati haha wala share ko Lang kaya ate Barbie peram muna haha! KAYA IKAW WAG KA MAWALAN NG PAG AASA NANINIWALA NAKO SA PM IS THE KEY HAHA After 4yrs nabati din ako

Ibinahagi ito ni Herlene kalakip ng kanyang pagpromote ng programang Dear Uge kung saan makaka-eksena niya ang kanyang idol na si Jak

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Abangan nyo po sa dear uge ASYMTOPANGIT crush ko noon ka eksena kona ngayon small world

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

At least kahit 4years na nakalipas .nabati kana ngayon diba tapos di ka pa artista noon ngayon parihas na kayo artista ang saya diba magkasama pa sa drama
Wooow Sana all buti nga sayo 2017 hndi nia nabasa ako since 2015 pa ung message ko dipa nia nababasa baka 2030 pa nia yun babasahin

Read also

Bongbong Marcos, sinabing birthday party ang dahilan ng pagkikita nila ni Sara Duterte sa Cebu

Ang tagal nun grabe 4years ka nag intay hahahahaaha pero nice na bati ka din kaso 22 kana.ngaun hahaaha pero nice ahh crush back na yan ni kuya Jak☺️Sana all na meet nya na crush nya

Unang sumikat si Herelene "Hipon" Budol sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Naging laman ng mga balita ang kontrobersiyal na sagutan nila ng Miss Universe Manila na si Alexandra Abdon sa Wowowin. Gayunpaman, nagkaayos silang dalawa at nagkapatawaran na.

Matatandaang matapos niyang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube show na ToniTalks, dumami ang gustong tumulong sa kanya. Pinagshopping din siya ni Alex Gonzaga ng mamahaling bag at sapatos.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel