Vice Ganda, napasabak sa bonggang paglalaba habang nasa Amerika
- Ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang experience sa paglalaba ng kanilang damit ni Ion sa Amerika
- Si Vice mismo ang nagsalang ng kanilang mga lalabhang damit hanggang sa paglalagay nito sa dryer at pagtitiklop
- Mabuti na lamang at isang Pinoy ang tumulong sa kanila kung paano ang sistema ng paglalaba doon kung saan kailangan nila ng coins
- Kahit nasa Amerika, ipinakita ni Vice ang pagtangkilik sa mga Filipino restaurants kung saan sila kumain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa bagong vlog ni Vice ngayong Oktubre 28, ibinahagi niya ang kanyang 'laundry day experience' sa Amerika.
Nalaman ng KAMI na ayaw mag-uwi ng komedyante ng mga maruruming damit sa Pilipinas kaya naman naisipan niyang labhan muna ito.
Nilarawan niya ang ang sarili na "shunga-shunga" sa paglalaba dahil kakaiba ang sistema roon kung saan kailangan nila ng coins para mapagana ang mga washing machine.
Mabuti na lamang at may isang Pinoy hairstylist doon na umasiste kina Vice at sa kanyang mga kasama sa kung ano ang kanilang dapat na gawin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Habang hinihintay na matapos ang labahin, naisipan nilang kumain na muna. At sa dinami-rami ng mga restaurants doon, tinangkilik pa rin ni Vice ang Pagkaing Pinoy doon.
Hanggang sa paglalagay sa dryer at pagtitiklop ng damit, ginawa ni Vice. Dahil dito, ipinaabot niya ang kanyang pagsaludo sa mga labandera na matiyagang nagbibigay serbisyo gayung hindi biro ang paglalaba na kinakailangan ng lakas at pasensya.
Narito ang kabuuan ng video:
Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."
Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.
Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.95 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.
Kamakailan, naibahagi ni Vice ang madamdaming video kung paano niya sinurpresa ang kanyang pamilya sa bagong tahanan ng mga ito na regalo niya.
Source: KAMI.com.gh