Kris Aquino, nag-sorry sa dalawang anak ni Mel Senen Sarmiento
- Naibahagi ni Kris na nag-dinner sila ng kanyang fiancé na si Mel Senen Sarmiento kasama ang dalawang anak nito na lalaki
- Nag-sorry umano si Kris sa kanila dahil hindi na nila madalas na nakakasama ang kanilang ama dahil nga palagi silang magkasama
- Pasasalamat ang naging tugon ng mga anak ni Mel dahil sa pagpapasaya umano ni Kris sa kanilang ama
- Ani Kris, sobrang naapreciate niya iyon at naiyak siya nang nakaalis na ang dalawang anak ng dating DILG secretary
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanilang pagbabahagi ng kanilang kwento, nakwento ni Kris Aquino ang nangyari nang mag-dinner sila ni dating DILG secretary Mel Senen Sarmiento kasama ang dalawang anak nito na lalaki.
Ani Kris, nag-sorry siya sa mga ito dahil hindi na ganoon kadalas nilang nakakasama ang kanilang ama. Pasasalamat ang naging tugon ng mga ito dahil ngayon lang daw nila nakitang ganoon kasaya ang kanilang ama.
Ani Kris, naantig siya sa sinabi ng mga ito at naiyak siya nang umalis na ang mga ito dahil sa sobrang pagmamahal nila sa kanilang ama.
I said sorry to them that they weren't able to see their dad as often. I was really touched when they said thank you because they said that they've never seen their dad this happy.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.
Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.
Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.
Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailanlang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.
PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh