Donekla in Tandem, may 3 million subs na; nagpa-comedy bar sa yate
- Umabot na sa 3 million ang subscribers ng 'Donekla in Tandem' na binubuo nina Donita Nose at Super Tekla
- Bilang pagdiriwang sa nakamit nilang tagumpay, nagtungo ang Donekla kasama ang ilang ka-tandem sa Cebu
- Nagmala-comedy bar din ang yate na kanilang sinakyan sa pamamasyal sa Cebu sa kakulitan ng dalawa
- Aminado silang na-miss ang live na pagpapatawa sa mga fans lalo na at halos dalawang taon nang nananalasa ang COVID-19
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Masayang ipinagdiwang ng 'Donekla in Tandem' ang kanilang pagkakaroon nila ng 3 million subscribers.
Nalaman ng KAMI na kasama nina Donita Nose at Super Tekla ang ilang mga Ka-tandem sa Cebu sa kanilang selebrasyon.
Mababakas ang kasiyahan ng Donekla sa panibagong achievement nilang nakamit lalo na at halos isang taon pa lamang ang kanilang YouTube channel.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kaya bilang pasasalamat, nagmala-comedy bar ang sinasakyan nilang yate dahil sa kakulitan ng dalawa.
Aminado silang na-miss nila ang pagpapatawa ng live dahil sa halos dalawang taon nang pananalasa ng COVID-19.
Game na game namang nakisaya ang ilang mga ka-tandem na naki-jam din sa dalawa sa kanilang pagtatanghal.
Alay nila ang munting selebrasyon sa lahat ng sumuporta sa kanila mula umpisa hanggang ngayon na milyon-milyon na ang kanilang subscribers.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Donekla in Tandem:
Ang 'Donekla in Tandem' ay binubuo ng mga komedyanteng sina Donita Nose at Super Tekla. Matatandaang nagkasama ang dalawa sa programang Wowowin ni Willie Revillame. Kasalukuyan na silang mayroong 3 million subscribers sa kanilang YouTube channel.
Kamakailan lamang, ipinagdiwang nina Donita at Tekla ang first anniversary ng kanilang YouTube channel. Hindi naiwasang maging emosyonal nang dalawa nang kanilang balikan ang mga nangyari sa loob ng isang taon. Doon, nagkaaminan din sila umano ng mga bagay na ayaw nila sa isa't isa.
Ibinahagi rin nila ang unboxing nila ng kanilang gold play button sa pagkakaroon ng mahigit isang milyong subscribers.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh