LJ Reyes, may pahayag sa komentong mahal pa niya si Paolo Contis base sa Boy Abunda interview

LJ Reyes, may pahayag sa komentong mahal pa niya si Paolo Contis base sa Boy Abunda interview

- Nagbigay pahayag si LJ Reyes ukol sa komento ng mga netizens na mahal pa umano niya si Paolo Contis

- Ito ay base umano sa mga binitawang salita ni LJ sa naging eksklusibong panayam sa kanya ni Boy Abunda sa YouTube channel nito

- Matatandaang September 1 nang ibahagi ni Boy Abunda ang naturang interview kung saan nakalipad na patungong New York si LJ at dalawang mga anak

- Sa Oktubre 27, ipalalabas muli sa YouTube channel ni Boy Abunda ang pagkumusta niya muli kay LJ makalipas ang ilang buwan mula nang maisapubliko ang hiwalayan nila ni Paolo Contis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay ng pahayag si Lj Reyes kaugnay sa mga naging reaksyon at komento ng netizens sa naging interview sa kanya ni Boy Abunda.

Nalaman ng KAMI na makalipas ang mahigit isang buwan, muling kinumusta ng kanyang 'Tito Boy' si LJ na kasalukuyan pa rin na nasa New York.

Read also

Madam Inutz, may pa-Christmas party sa family bago pumasok sa PBB

LJ Reyes, may pahayag sa komentong mahal pa niya si Paolo Contis base sa Boy Abunda interview
LJ Reyes (@lj_reyes)
Source: Instagram

Sa teaser ng panibagong panayam kay LJ, naiparating ni Boy Abunda kay LJ ang reaksyon ng netizens kung saan sinasabi ng ilan sa mga ito na mahal pa ng aktres si Paolo Contis.

"People who've watched our interview would say na 'Mahal pa rin niya si Paolo'," ani Abunda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tito Boy 'pag nagmahal ka naman kasi hindi naman yun kahit parang gawan ka ng masama, I don't think that It would just go away like that," pahayag ni LJ na naibahagi sa nasabing teaser.

Mapapanood ang kabuuan ng interview sa Oktubre 27, sa The Boy Abunda Channel:

Si LJ Reyes ay isang Filipina actress na produkto ng GMA reality TV show, StarStruck. Bagaman at kasama lamang siya sa Final Four, sunod-sunod naman ang mga naging proyekto niya sa Kapuso Network.

Read also

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

Mas madalas din na mapanood si LJ at ang anak nitong si Summer sa mga vlog ng dating kasintahan na si Paolo Contis.

Kaya naman marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang paghihiwalay ng dalawa na nagkataon pang pagpapalabas ng Netflix film ni Paolo na 'A faraway land.'

Kasalukuyan nang namamalagi ngayon sa New York sina LJ at ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer, kapiling na rin ng pamilya ni LJ na naroon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel