Netizens, ginawan ng Spotify playlist si Aljur Abrenica sa gitna ng issue

Netizens, ginawan ng Spotify playlist si Aljur Abrenica sa gitna ng issue

- Kinagiliwan online ang bagong Spotify playlist ngayon ni Aljur Abrenica

- Gawa umano ito ng mga makukulit na netizens matapos ang kontrobersyal na 'breaking slinece' post ng aktor

- Inakala ng marami na mga kanta nga ni Aljur ang kanilang mapakikinggan subalit mapapansing ang mga pamagat ay bawat salitang binitawan niya sa kanyang post

- Maging sina Ogie Diaz ay naaliw sa nagawang playlist na ito ng netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-pansin ngayon sa Spotify ang makulit na playlist ni Aljur Abrenica.

Nalaman ng KAMI na lumabas ang playlist matapos ang kontrobersyal na 'breaking silence' post ni Aljur na burado naman na ngayon.

Mapapansing ang mga pamagat ng nasa playlist ni Aljur ay ang bawat salitang binitawan niya sa kanyang post kamakailan patungkol kay Kylie Padilla.

Aljur Abrenica, nagkaroon ng instant playlist sa Spotify dahil sa makukulit na netizens
Photo: Aljur Abrenica
Source: Facebook

Maging ang komedyante at showbiz reporter na si Ogie Diaz ay naaliw sa playlist na nagawa ng mga makukulit na netizens na tila sumusubaybay sa mga kaganapan sa isyung kinahaharap ng aktor pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

Read also

Ogie Diaz sa KMJS interview ni Kylie Padilla: "Para sa'kin, 'di na niya mahal si Aljur"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nakakaloka naman 'yun, singer naman pala talaga si Aljur," pabirong sabi ni Ogie matapos makita at mabasa ang mga pamagat ng nasa playlist ng aktor.

Samantala, narito naman ang ilan sa makukulit na komento ng netizens ukol dito:

"So ayun nga, binuksan ko, akala ko si Aljur na nga ang kumakanta"
"Ang mga Pinoy nga naman pero aliw ako ha sa Aljur playlist na yan"
"Hahahahahaha... pati ba naman Spotify na-invade mo na Kuya Aljur?"
"Akala ko mga pasabog pa rin ni Aljur, hahahaha! naloka ako"

Si Aljur Abrenica ay isa sa mga artistang nagmula sa reality show sa GMA ang "StarStruck". Ikinasal siya kay Kylie Padilla noong 2018 at matapos nito'y nabiyayaan sila ng dalawang anak na sina Alas Joaquin and Axl Romeo.

Read also

Aljur sa 'Breaking Silence' post: "Nasadsad na ako, natulak, lubog at nabugbog na ako"

Sinasabing Hulyo pa nang maghiwalay na ang dalawa. Subalit nito lamang Oktubre, isang kontrobersyal na post ang inilabas ni Aljur na nagsasabing si Kylie umano ang unang nagloko sa kanilang relasyon.

Nagsulputan naman ang mga nagtanggol kay Kylie at isa na rito ang nagpakilalang pinsan niya na si Princess Paulino.

Sa showbiz update ni Ogie Diaz, isa rin umanong common friend nila ni Kylie ang nagsabing naubos ang savings ng aktres dahil sa talagang kinapos sila noon ni Aljur kaya naman nagagalaw na maging ang sariling ipon niya.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel