Lyca Gairanod, ibinahagi ang kanyang nabiling cellphone na aniya ay kanyang pinag-ipunan

Lyca Gairanod, ibinahagi ang kanyang nabiling cellphone na aniya ay kanyang pinag-ipunan

- Masayang ibinahagi ni Lyca Gairanod ang kanyang unboxing ng kanyang bagong telepono

- Gayunpaman, nabura ang isa pa niyang video kung saan kita ang kanyang mukha ngunit mayroon naman siyang backup na video

- Aniya, ayaw niyang ulitin ang kanyang unboxing dahil hindi na totoo ang kanyang magiging reaksiyon kapag ganoon ang kanyang gagawin

- Buong pagmamalaki niyang ginamit ang kanyang bagong cellphone na aniya ay kanyang pinag-ipunan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natuwa para kay Lyca Gairanod na kahit hindi gaanong aktibo sa telebisyon ay nagiging matagumpay sa paggawa ng mga YouTube videos. Sa kanyang huling video, ibinahagi niya ang kanyang pag-unbox ng kanyang bagong cellphone na aniya ay kanyang pinag-ipunan.

Lyca Gairanod, ibinahagi ang kanyang nabiling cellphone na aniya ay kanyang pinag-ipunan
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Gayunpaman, nabura ang isa pa niyang video kung saan kita ang kanyang mukha ngunit mayroon naman siyang backup na video. Aniya, ayaw niyang ulitin ang kanyang unboxing dahil hindi na totoo ang kanyang magiging reaksiyon kapag ganoon ang kanyang gagawin.

Read also

Ryan Bang, hindi kailanman nangutang: "Kasi doon kami naghirap e"

Buong pagmamalaki niyang ginamit ang kanyang bagong cellphone na aniya ay kanyang pinag-ipunan nang matagal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng mga netizens:

Just for being you already makes you standout the energy you provide is always a vibe and i can tell you are a very genuine person, your soothing singing voice is just a bonus and you are a great singer you deserved all the blessings you're getting now just pls dont change stay humble and more blessings to come
Ang bait mo parin talaga lyca idol kita noong bata kapa.. peru nkita kita ngayun sa mga vlog mo.. di ako mka paniwala lyka.. kasi mka dyos ka parin at hindi plastic
I feel you gurl, kahit iPhone 11 lang yung Akin and 64GB lang na excite talaga ako. Hahahaha long time Android user ako but I love iPhone.

Read also

Ashley Gosiengfiao, nakita sa tarot reading ang paghihiwalay ng kapatid at ni Wil Dasovich

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nagviral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel