Mich Liggayu, hiwalay na sa ama ng kanyang anak na si Neo Domingo
- Ibinahagi ng social media star na si Mich Liggayu na isa na siyang single mom
- Gayunpaman, positibo ang kanyang mensahe para sa anak at aniya ay lagi siyang naroroon para sa kanya
- Matatandaang naibahagi ni Mich ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at sa ama ng kanyang baby sa pamamagitan ng kanyang vlog
- Si Mich ang kasintahan at partner ng namayapang YouTuber na si Jam Sebastian at kilala sila noon bilang JaMich
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isinapubliko ni Mich Liggayu na isa na siyang single mom. Hindi niya diretsahang binanggit ang tungkol sa paghihiwalay nila ng ama ng kanyang anak ngunit isang mensahe para sa kanyang baby ang kanyang binahagi. Sa kanyang Facebook post, positibo ang kanyang mensahe para sa anak at aniya ay lagi siyang naroroon para sa anak.
Agad na naging usap-usapan ang kanyang post at umani ng mga komento at reaksiyon.
Samantala, bumuhos naman ang mensahe ng suporta para sa vlogger:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Stay strong po idol Mich. I know there is a brighter future for you and your kid.
I know you're strong ate Pao You've been through worst, you'll get through this. I'm rooting for your genuine happiness
It's OK ate mich to be one of those strong women in the world.. no matter what happen I'm still one of your fan..
Si Mich Liggayu ay nakilala sa YouTube videos nila ni Jam Sebastian. Sila ang tinawag na JaMich. Sa kasamaang palad, hindi sila nagkatuluyan kahit engaged na sila dahil sa pagpanaw ni Jam matapos siyang ma-diagnose na may Lung cancer.
Matatandaang inamin ni Mich ang tungkol sa kanyang pagbubuntis nitong January sa pamamagitan ng isang YouTube video kung saan pinakita niya ang kanyang baby bump.
Sa isang Facebook post ay inamin din niya na ang singer na si Neo Domingo ang ama ng kanyang anak.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh