Ama ng pinagbubuntis ni Mich Liggayu, nagpakilala na

Ama ng pinagbubuntis ni Mich Liggayu, nagpakilala na

- Kinumpirma ng ama ng pinagbubuntis ni Mich Liggayu ang balitang buntis ito

- Nanuna nang ibinahagi ni Mich ang balita sa kanyang YouTube channel

- Gayunpaman, may mga hindi kaagad naninwala at inakalang isa lamang ito sa mga proyektong gagawin ni Mich

- Inamin ni Neo Domingo na siya ang ama ng pinagbubuntis ni Liggayu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang mahaba at madamdaming Facebook post, inamin ni Neo Domingo na siya ang ama ng pnagbubuntis ni Mich Liggayu. Ito ay matapos isapubliko ni Mich ang kanyang pagbubuntis sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel.

Inihayag ni Neo ang kanyang kasiyahan na sa wakas ay masasabi niya na sa lahat at maibahagi ang kanyang nararamdaman para kay Mich.

Aniya, hindi niya mapapantayan ang pagmamahal na binigay ng dating nobyo ni Mich na si Jam Sebastian. Gayunpaman, ang mahalaga diumano sa kanya ay maibigay niya ang pagmamahal na kaya niyang ibigay kay Mich.

Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe:

Isa sa pinaka strong na babaeng nakilala ko sunod syempre sa nanay ko.(baka mabasa nya eh lol) Sana alam mo na andito lang ako kahit anong manyari. Maraming salamat for giving me a chance na mahalin ka at punan yung mga nawala sayo. Alam ko hindi ko mapapantayan ang pag mamahal na binigay sayo ni Jam. Pero para sakin ang mahalaga ay mabigay ko sayo kung ano yung kaya kong ibigay. Kahit sarili kong pangarap. Lalo na ngayon dalawa na kayo. Mag karoon man tayo ng kalaban sa mundong ito asahan mo na lagi akong nasa tabi ninyo. Excited na ako sa bagong yugto ng buhay natin. Alam ko hindi magiging madali sa umpisa. Pero sigurado naman ako na mas marami na tayong kakampi ngayon. Ngayon its official na. Pwede na kita tawaging MAHAL na walang takot. Pwede ko na kayo ipagmalaki sa buong mundo. and para sa mga nag tatanong at nag mamadali na sagutin ko. Ito na po! YES po I am the father.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan ang diumano'y relasyon nina Mich at Neo noong panahong nakikipaglaban si Jam para sa kanyang buhay. Gayunpaman, parehas nila iyong pinabulaanan.

Ayon naman sa ilang masugid na tagahanga ng tambalang JaMich, deserve din ni Mich na sumaya kahit wala na si Jam kaya marami din ang natuwa para sa biyayang natanggap ni Mich.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel