James Reid, ibinahaging binibenta na niya ang kanyang bahay

James Reid, ibinahaging binibenta na niya ang kanyang bahay

- Sa kanyang Instagram post, isinapubliko ni James Reid ang tungkol sa kanyang binibentang bahay

- Nagbahagi din siya ng mga pictures ng iba't-ibang bahagi ng nasabing bahay na matatagpuan sa Loyola Grand Villas, Katipunan

- Hindi naman mapigilang malungkot ng mga tagasuporta ng tambalang JaDine dahil ito ang bahay kung saan nagkasama ang dalawa noong hindi pa sila naghiwalay

- Hindi man kinukumpirma ni Nadine, ilang beses nang namamataan ang aktres na kasama ang kanyang napapabalitang bagong karelasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

hindi mapigilang malungkot ng JaDine fans matapos i-post ni James Reid na binibenta na niya ang kanyang bahay sa Loyola Grand Villas, Katipunan. Sa kanyang post ay ibinahagi niya rin ang detalye kung saan pwedeng tumawag ang sinumang gustong bilhin ang kanyang bahay.

James Reid, ibinahaging binibenta na niya ang kanyang bahay
James Reid (@james)
Source: Instagram

Marami sa tagahanga ng JaDine ang naglabas ng kanilang kalungkutan dahil ito ang bahay kung saan nagsama sina Nadine at James. Hindi man opisyal na kinukumpirma ni Nadine, ilang beses nang namamataan ang aktres na kasama ang kanyang napapabalitang bagong karelasyon.

Read also

Ryan Agoncillo, binahagi ang isa sa dahilan kung bakit swak sila ni Judy Ann Santos

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng mga JaDine fans:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Too many memories over there. I'm gonna miss you guys but if that's what makes both of u feel happy and free then we still should be happy with your decisions.. I'll miss you mom and dad #Jadine
Naiiyak ako. Parang lahat ng anggulo may pic si nadz
No more jadine na ba talaga?

Si James Reid ay isang Filipino - Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010. Nakilala ang tambalan nila ng kanyang dating nobya na si Nadine Lustre bilang "JaDine."

Matatandaang Enero ng taong 2020 nang aminin nina James at Nadine na hiwalay na sila. Gayunpaman, nanatili umano silang magkaibigan kaya ilang beses din silang namataang magkasama kahit hiwalay na sila.

Read also

Mich Liggayu, hiwalay na sa ama ng kanyang anak na si Neo Domingo

kamakailan sa isang panayam kay Boy Abunda, hiling umano ni James na maging masaya si Nadine kung sakaling magkaroon ito ng bagong karelasyon.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel