BB Gandanghari, pinayuhan sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica
- Naibahagi ni BB Gandanghari ang kanyang payo sa gitna ng isyung kinasasangkutan ng pamangking si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica
- Sa kanyang Istagram live, Inamin ni BB na hindi siya aware sa iskandalong kinasasangkutan ng kanyang pamangkin
- Payo ni BB, hindi madalai ang paghihiwalay at sana daw ay huwag masyadong isapubliko ng mag-asawa ang kanilang pinagdadaanan lalo at may anak sila
- Aniya, dapat isipin palagi ng dalawa ang kanilang anak na maapektuhan sa eskandalong kanilang kinasasangkutan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Napilitang magbigay ng kanyang saloobin at payo si BB gandanghari kaugnay sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang pamangking si Kylie Padilla at ng mister nito na si Aljur Abrenica.
Aminado si BB na hindi siya aware sa iskandalong kinasasangkutan ng kanyang pamangkin at ng nakahiwalay nitong asawa na si Aljur.Gayunpaman, maraming netizens ang nagtanong kung ano ang masasabi niya sa mainit na isyu sa pagitan nina Kylie at Aljur at kung ano ang ipapayo niya sa pamangkin.
Napilitan siyang magsalita nang marami sa kanyang mga viewers ang nagulit sa kanya tungkol sa kanyang maipapayo sa mag-asawa.
Aniya, dapat isipin nina Kylie at Aljur palagi ang kanilang mga anak dahil sila ang pinakamaapektuhan sa lahat ng nangyayari.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa caption ng kanyang post, inudyukan din ni BB ang publiko na maghinay-hinay sa mga komento at juwag maging taklesa dahil wala namang taong perpekto.
Panuorin ang kabuuan ng pahayag ni BB kaugnay sa isyung ito dito:
Si Binibini Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla.
Matatandaang muling naging usap-usapan si BB matapos maibalitang kinailangan siyang isugod sa ospital dahil sinaktan siya ng kanyang katrabaho.
Inalmahan ni BB ang pagtawag sa kanya ng Rustom at pag "misgender" sa kanya ng sikat na showbiz writer na si Ricky Lo.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh