Alex Gonzaga, pagpapatawa ang naging coping mechanism sa failed pregnancy nya

Alex Gonzaga, pagpapatawa ang naging coping mechanism sa failed pregnancy nya

- Sa isang KUMU live video, ibinbahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang naging realization sa nangyari sa kanila ni Mikee Morada

- Minabuti niyang ikwento na lamang sa kanyang mga tagasubaybay sa KUMU ang kanilang karanasan kaugnay sa pagbubuntis niyang hindi natuloy

- Aminado ang dalawa na nasasaktan parin sila ngunit naiintindihan umano nila na may plano ang Panginoon kung bakit hindi pa binibigay sa kanila

- Nilinaw din nila ang dahilan kung bakit hindi nila kaagad ipinaalam ang tungkol sa pagkatuklas nila sa pagdadalang-tao ni Alex

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasunod ng post ni Alex Gonzaga sa Instagram kaugnay sa kanyang failed pregnancy, nagbahagi ang mag-asawang Mikee Morada at Alex Gonzaga ng kanilang mga naging realizations matapos nilang mapag-alamang hindi pa ipinagkaloob sa kanila na magka-baby.

Alex Gonzaga, pagpapatawa ang naging coping mechanism sa failed pregnancy nya
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Ani Alex, napagsabihan pa siya ng asawa dahil nagpapatawa pa siya sa kabila ng mga nangyari. Gayunpaman, ani Alex, iyon umano ang naging coping mechanism niya sa sakit na kanyang naramdaman.

Read also

Kylie Padilla, pinag-ingat umano ng ama sa isang ex niya

Aminado silang masakit pa rin para sa kanila ang nangyari ngunit alam umano nilang may plano ang Panginoon kung bakit hindi pa ibinibigay sa kanila ang pagkakaroon ng baby.

Ani Mikee, kahit papaano ay nalaman nilang may kakayahan sila na magkaroon ng baby. Naikwento ni Alex na sa simula pa lamang ng kanilang ultrasound ay marami nang research si Mikee. Kahit medyo alanganin kahit sa simula pa lamang, kumapit umano ang mag-asawa sa dasal. Anila, ito ang isa din sa dahilan kung bakit hindi nila naibahagi kaagad sa publiko ang tungkol sa pagbubuntis ni Alex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinintay sana nila ang tamang panahon para isapubliko iyon ngunit hindi na iyon nangyari.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Jason Tesorero, ibinunyag na 25K lang ang laman ng passbook ni Mahal

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel