Jason Tesorero, sinabing hindi tama ang inilabas patungkol sa pagkatao ni Mygz Molino

Jason Tesorero, sinabing hindi tama ang inilabas patungkol sa pagkatao ni Mygz Molino

- Naging hati ang tagahanga at tagasuporta ng MahMygz tandem matapos ilabas ng isang vlogger ang umano'y mensahe ni Mahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Ito ay patungkol sa umano'y tunay na pagkatao ng katandem ni mahal na si Mygz Molino

- Inilabas din ng naturang vlogger na umano'y may lihim na relasyon sina Mygz at ang manager nito

- Sinabi naman ni Jason Tesorero na kahit saan tingnan ay foul at hindi tama na ilabas ang tungkol sa ganitong bagay

Matapos ang inilabas ng isang vlogger at dating supporter na tambalang MahMygz ng mga umano'y screenshot ng mga mensahe ni Mahal, nagkagulo ang mga fans ng dalawa. nahati ang mga ito at nadamay maging ang dalawang pamilya nina Mahal at Mygz.

Jason Tesorero, sinabing hindi tama ang inilabas patungkol sa pagkatao ni Mygz Molino
Mygz Molin0 (@mygz.molino)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Mga kapatid ni Mahal, naging emosyonal nang balikan ang huling mensahe ni Mahal

Kaya naman, sa isang video, minabuti ng kapatid ni mahal na si Jason Tesorero na magsalita kaugnay sa isyu. Nilinaw niyang taliwas sa sinasabing maybasbas nila ang inilabas ng vlogger, wala umano silang alam tungkol dito.

Nilinaw din ni Jason ang kanyang pananaw kaugnay sa ginawa ng vlogger. Aniya, foul na ilabas at isapubliko ang tungkol sa ganitong bagay. Inabsuweto din niya ang malapit na kaibigan ni mahal na si Lemon na napaparatangan din umano na nasa likod ng inilabas na mga screenshots.

Si Mygz Molino ay isang vlogger na nakasama ng yumaong komedyanteng si Mahal Tesorero. Si Mygz ang ka-tandem nito sa mga vlog niya kaya naman labis itong naapektuhan sa pagkawala ni Mahal. Siya ang laging kasa-kasama ni Mahal sa mga raket nito kahit sa kanyang TV shows.

Matatandaang, taliwas sa lumabas na haka-haka, hindi sinisisi ng mga kapatid ni Mahal si Mygz sa nangyari sa kapatid nila. Bagkus ay malaki ang kanilang pasasalamat na naging masaya ang kanilang kapatid sa huling mga taon ng kanyang buhay kasama si Mygz at ang pamilya niya.

Read also

Jason Tesorero, ibinunyag na 25K lang ang laman ng passbook ni Mahal

Hindi naman na nakadalo pa sa libing ni Mahal si Mygz dahil kinailangan nilang mag quarantine dahil sila ang close contact ni Mahal bago ito pumanaw dahil sa COVID.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel