Mga kapatid ni Mahal, naging emosyonal nang balikan ang huling mensahe ni Mahal

Mga kapatid ni Mahal, naging emosyonal nang balikan ang huling mensahe ni Mahal

- Hindi napigilang maiyak ni Jason Tesorero nang muli niyang basahin ang huling mensahe ni mahal sa manager nito

- Sa pagnanais nilang linawin ang mga binabatong isyu at paratang sa kanilang pamilya, muling nasariwa ang sakit na kanilang naramdaman sa pagkawala ng kapatid

- Sa kanyang huling message sa kanyang manager ay naghahanap umano ito ng gamot dahil wala na siyang gamot

- Anila, kung talagang inalagaan nilang mabuti si Mahal ay bakit wala itong gamot at malala na nang dalhin sa ospital at sa pampublikong ospital dinala

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nais na lamang sana umano ng Pamilya Tesorero na kalimutan na ang sakit sa pagkawala ng kanilang kapatid sa kabila ng kanilang natuklasan. Gayunpaman, matapos ang paglantad ng isang vlogger sa umano'y relasyon ni Mygz Molino at ng manager nila, napagbintangan ang pamilya Tesorero na nasa likod ng inilabas na ito ng vlogger.

Read also

Jason Tesorero, sinabing hindi tama ang inilabas patungkol sa pagkatao ni Mygz Molino

Mga kapatid ni Mahal, naging emosyonal nang balikan ang huling mensahe ni Mahal
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Nakwestiyon din ng ilan kung bakit sa Pamilya Molino si Mahal tumira at hindi sa kanyang pamilya. Nababanggit pa na mas naalagaan at minahal umano ng Pamilya Molino si mahal kaya nito piniling manirahan kasama sila.

Dito na binalikan ni Jason ang huling mga mensahe ni Mahal sa cellphone nito na hawak na nila. Aniya kung talagang inalagaan siya ng sobra, bakit ito naghahanap umano ito ng gamot dahil wala na siyang gamot.

Nilinaw niyang wala silang sinisisi ngunit nais niyang ipagtanggol ang kanyang pamilya sa mga bashers na mapanghusga. Dagdag pa nila kinailangan pa nilang balikan ang sakit sa pagkawala ni mahal dahil sa mga negatibong komentong ito ng mga bashers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Read also

Jason Tesorero, ibinunyag na 25K lang ang laman ng passbook ni Mahal

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel