Ivana Alawi, itinago ang mga CP ng pamilya; pinalitan ito ng bagong iPhone 13

Ivana Alawi, itinago ang mga CP ng pamilya; pinalitan ito ng bagong iPhone 13

- Naisipan na namang i-challenge ni Ivana ang bawat miyembro ng kanilang pamilya

- Itinago niya for 24 hours ang mga cellphone ng kanyang Mama Alawi, ni Hash at ni Mona

- Inakala ng mga ito na basta challenge lamang ang kanilang ginawa kaya naman hinintay na lamang nila kinabukasan ang pagbabalik ng CP

- Iyon pala, papalitan ni Ivana ang kanilang mga cellphone ng bagong iPhone 13

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umiral na naman ang pagiging mapagbigay ni Ivana Alawi sa kanyang family.

Nalaman ng KAMI na nakaisip na naman ng bagong challenge si Ivana para sa kanyang pamilya kung saan itinago niya ang mga cellphone nina Mama Alawi, Hash at Mona.

Una niyang itinago ang kay Mona kung saan nagkunwari siyang gumawa ng magic trick.

Ivana Alawi, itinago ang mga CP ng pamilya; pinalitan ito ng bagong iPhone 13
Ivana Alawi (Photo: @ivanaalawi)
Source: Facebook

Isinunod niyang itago ang kay Hash at ang huli niyang naitago ay ang cellphone ng kanilang Mama Alawi.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mapapansing bahagyang nainis ang kanilang Mama gayung nanahimik ito na naglalako gamit ang CP na itatgo pala ni Ivana sa loob ng 24 oras.

Maging si Ivana ay hindi rin gumamit ng cellphone upang maging fair sa kanyang mga kapamilya.

Kinabukasan, inakala ng kanyang mga kapamilya na basta lamang na isasauli sa kanila ni Ivana ang kani-kanilang mga cellphone.

Laking gulat nila sa surpresa nitong iPhone 13 sa bawat isa sa kanila. Maging ang isang masuwerteng subscriber nila ay magkakaroon din umano ng bagong-bago na iPhone 13.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube channel:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show ng GMA 7 ang "StarStruck". Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng pagba-vlog. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

Sa eksklusibong interview sa kanya ni Ogie Diaz, muli na namang napatunayan ni Ivana ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya.

Aniya, handa umano siyang ubusin ang lahat ng kanyang salapi masiguro lamang ang paggaling ng kanyang bunsong kapatid na si Mona Alawi na pinahihirapan umano ng sakit nitong type one diabetes.

Nabanggit din niya sa naturang interview na papayag siyang maging housemate ni "Kuya" kahit naranasan niyang ma-reject noon nang nagtiyaga siyang pumila para mag-auditon sa Pinoy Big Brother.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel