Rochelle Barrameda, inilabas ang umano'y mga ebidensiya laban kay 'Lope Jimenez'
- Inilabas ni Rochelle Barrameda ang umano'y mga ebidensiyang nag-uugnay kay Lope Jimenez bilang suspek sa kaso ng Ruby Rose Barrameda
- Kasama sa mga ebidensiya ang handwritten letter ng abogado ni Jimenez at ang dahon ng laurel na may nakasulat na pangalan at account number ni Jimenez
- Iginiit ni Rochelle na nagpapakita ang sulat ng pagkakakilanlan ng tunay na suspek sa kabila ng pagtanggi ng akusado na siya si Lope Jimenez
- Patuloy na nanawagan si Rochelle para sa hustisya sa sinapit ng kanyang kapatid na si Ruby Rose Barrameda
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Inilantad ni Rochelle Barrameda ang umano'y mga ebidensiyang nag-uugnay kay Lope Jimenez, ang itinuturong pangunahing suspek sa pagkawala at pagkamatay ng kanyang kapatid na si Ruby Rose Barrameda. Isa sa mga ito ay ang isang handwritten letter mula sa abogado ni alias Victor Dueñas, na dumalaw sa akusado sa Camp Caringal, Quezon City noong Biyernes, Enero 11.
Sa sulat na nilagdaan ni Atty. Ronald C. Ching, nakasaad na siya ang abogado ni Lope Jimenez, hindi ni Victor Dueñas, na pilit na iginigiit ng akusado bilang kanyang tunay na pangalan. Muling nagduda si Rochelle nang mapansin ang maling petsa sa sulat, kung saan nakasulat ang 2024 sa halip na 2025, at ang hindi tugmang pangalan na ini-log ng abogado sa susunod na araw ng pagbisita.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kasama sa mga ebidensiya ang larawan ng sulat, pati na ang account number at pangalan ni Jimenez na nakasulat sa dahon ng laurel na nakuha umano sa pitaka ng akusado. Tila ang paggamit ng dahon ng laurel bilang tagapaghatid ng suwerte at tagumpay ay naging kabaligtaran, dahil ito pa ang naging daan upang lalong mapatunayan ang pagkakakilanlan ni Jimenez.
Sa kabila ng pagtanggi ng akusado at pahayag na kahawig lamang niya si Jimenez, naniniwala si Rochelle na ang mga naiprisintang ebidensiya ay sapat upang patunayan ang kaugnayan ni Jimenez sa kaso. Patuloy siyang nanawagan para sa hustisya sa sinapit ng kanyang kapatid, na matagal nang naghihintay ng katarungan.
Si Ruby Rose Barrameda y Bautista ay isang negosyante. Siya ay huling nakita noong Marso 14, 2007, matapos makipagkita sa isang abogado kaugnay ng annulment case laban sa kanyang asawa, si Manuel Jimenez III. Ang pagkawala ni Ruby Rose ay nagdulot ng matinding pangamba sa kanyang pamilya, lalo na’t hindi siya muling nagpakita o nagbigay ng anumang senyales ng kanyang kinaroroonan.
Makalipas ang dalawang taon, noong Hunyo 2009, natuklasan ang mga labi ni Ruby Rose sa loob ng isang steel drum na ibinaon sa Navotas Fish Port. Ang katawan niya ay nakabalot sa semento at mga industrial material, isang malinaw na indikasyon ng maingat na plano upang maitago ang krimen.
Matatandaang dismayado ang pamilya ng dating aktres na si Rochelle Barrameda sa pagkakabasura ng kasong Parricide laban sa asawa ng kapatid niyang si Ruby Rose.
Positibong kinilala ni Rochelle Barrameda ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ruby Rose Barrameda noong 2007.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh