Parricide case laban sa mister ni Ruby Rose Barrameda, ibinasura; pamilya, dismayado

Parricide case laban sa mister ni Ruby Rose Barrameda, ibinasura; pamilya, dismayado

- Ibinasura ng na korte ang kasong Parricide laban sa asawa ni Ruby Rose Barrameda, kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda

- Natagpuan ang bangkay ni Ruby Rose noong Hunyo 2009, halos dalawang taon mula nang mawala siya noong Marso 2007

- Agad na nagsumite ng motion for reconsideration ang pamilya Barrameda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dismayado ang pamilya ng dating aktres na si Rochelle Barrameda sa pagkakabasura ng kasong Parricide laban sa asawa ng kapatid niyang si Ruby Rose Barrameda.

Nalaman ng KAMI na taong 2007 noong nawala si Ruby Rose at natagpuan na lamang ang bangkay nito sa isang dram ma may semento noong Hunyo 2009.

Ito ay matapos ibunyag ng isa sa umano'y nagtapon ng bangkay ni Ruby Rose na si Manuel Montero ang kinaroroonan ng dram kung nasaan ang labi ng biktima.

Inakusahan ni Montero ang asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III at ama nitong si Manuel Jimenez Jr. gayundin ang apat pang sangkot sa kaso.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit ayon sa ABS-CBN news, taong 2013 nang bawiin ni Montero ang kanyang naging testimonya at naglaho na lamang ito mula sa bilangguan ng NCRPO, Bicutan.

Dahil dito isinantabi ang kaso ng Malabon trial court.

Hunyo 2019 nang ibasura ang ang murder case laban kay Montero at dalawa pang sangkot sa krimen dahil na rin umano sa kakulangan ng ebidensya.

Agosto naman ng kasalukuyang taon, wala rin nakitang probable cause ang korte para arestuhin ang asawa ni Ruby Rose.

Samantala, dismayado ang pamilya ng aktres na si Rochelle Barrameda, kapatid ni Ruby Rose sa itinakbo ng kaso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mismo kasing Department of Justice, Office of the Preesident, Court of Appeals at Supreme Court na ang nagsasabing may basehan naman para kasuhan ang mister ng biktima.

Ngunit na-dismiss nang tuluyan ang kasong Parricide dahil na rin sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Di maiwasang maglabas ng hinanakit at pagadismaya ng aktres at sinabi nitong maaring may nangyayaring di maganda sa kaso.

Muling namang nanawagan ang ama ni Ruby Rose na si Robert Barrameda na sana'y lumitaw na muli si Montero upang malinawan na ang mga kulang sa testimonya nito.

Agad na ring naghain ng motion for reconsideration ang panig ng mga Barrameda.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica