Vice Ganda sa aniya'y matandang tsismosa: "Sinungaling ‘yang matandang ‘yan”

Vice Ganda sa aniya'y matandang tsismosa: "Sinungaling ‘yang matandang ‘yan”

- Naghayag ng mensahe si Vice Ganda sa aniya'y tsismosa na matanda

- Walang binaggit na pangalan ang TV host ngunit hirit pa niya, kunwari daw na may binabasang komento pero ang totoo ay sa taong ito mismo galing yun

- Marami ang nag-espikula na may pinapatamaan si Vice Ganda kahit wala itong taong pinangalanan

- Hindi maiwasang mabanggit ang pangalan ni Cristy Fermin lalo at lagi nitong binabanatan si Vice sa kanilang show

Sa isang episode ng It's Showtime, may pasaring si Vice Ganda laban sa aniya'y matandang tsismosa. Dagdag pa niya nagkukunwari daw ito na may komentong binabasa pero ang totoo ay kanya lang din yung komento.

Vice Ganda sa aniya'y matandang tsismosa: "Sinungaling ‘yang matandang ‘yan”
Vice Ganda sa aniya'y matandang tsismosa: "Sinungaling ‘yang matandang ‘yan”
Source: Instagram

Inihayag ni Vice Ganda ang kanyang mensahe laban sa tsismosa na aniya'y matanda, na hindi niya direktang binanggit ang pangalan. Ngunit sa pamamagitan ng kanyang mga pahayag, tila malinaw na may pinapatamaan siya.

Read also

Ogie D, sa komento ng kaibigan sa pares ni Diwata: "di raw kasundo ng kanyang panlasa"

Sa isang bahagi ng episode, binanggit ni Anne Curtis ang konsepto ng first love, na aniya'y lubos at walang halong masamang intensyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinahayag ni Vice ang kanyang pagdududa sa pahayag na iyon, na humantong sa kanyang pagsasabi ng, "Ganyan yung mga marites e. Sabi ni ano… Pero ang totoo, sa kanila galing ‘yun."

Isa pang patutsada ni Vice ay ang pagbanggit sa mga taong nagpapakalat ng tsismis na tila may komentong binabasa.

"Ganyan yung mga tsismosa. Kunyari ito ang comment ni chuchu chuchu, sabi ni ganyan. Pero ang totoo wala naman binabasa. Sa kanya ‘yun. Echosera," dagdag pa niya.

Tinukoy din ni Vice Ganda ang matandang tsismosa bilang "sinungaling," na nagdagdag sa mga spekulasyon. Bagaman hindi direktang binanggit ang pangalan ng tinutukoy, marami ang nag-komento na ito'y may kaugnayan kay Cristy Fermin, isang kilalang personalidad sa larangan ng showbiz na kilala rin sa kanyang mga komento at pagtatanggol sa kanyang mga opinyon.

Read also

Vivian Velez: "Cute daw sya, que horror!? Pati pala salamin sa palasyo, sinungaling"

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel