Ex-husband ni Michelle Madrigal, nag-viral dahil sa co-parenting post

Ex-husband ni Michelle Madrigal, nag-viral dahil sa co-parenting post

- Nag-viral ang dating asawa ni Michelle Madrigal na si Troy Woolfolk dahil sa Instagram post nito

- Ipinakita ni Troy ang photo niya kasama si Michelle at ang bagong boyfriend ng aktres

- Nasa photo rin ang anak nina Troy at Michelle pati dalawang bata na maaaring anak ng bagong nobyo ni Michelle

- Hindi pa tiyak kung mga anak nga ng nobyo ni Michelle ang dalawang bata na katabi ng anak ni Troy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapan ang bagong post ng dating asawa ni Michelle Madrigal na si Troy Woolfolk.

Michelle Madrigal (@mitch_madrigal)
Michelle Madrigal (@mitch_madrigal)
Source: Instagram

Sa Instagram, ipinakita ni Troy ang photo niya kasama si Michelle at ang bagong boyfriend ng aktres.

Andoon din sa nasabing photo ang anak nina Troy at Michelle pati dalawang bata na maaaring anak ng bagong nobyo ni Michelle. Hindi pa tiyak kung mga anak nga ng nobyo ni Michelle ang dalawang bata na katabi ng anak ni Troy.

Sa comments section ng post ni Troy, maraming netizens ang na-touch sa co-parenting setup nina Troy at Michelle. Sa kabila ng kanilang breakup, nanatiling magkaibigan ang dalawa at ginagawa ang makakaya para sa kanilang mahal na anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang viral co-parenting Instagram post ni Troy Woolfolk:

Si Michelle Madrigal Gaspar o mas kilala sa kanyang screen name na Michelle Madrigal ay isang Pinay actress na nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest.

Biniyayaan si Michelle at si Troy Woolfolk ng isang anak na babaeng pinangalanan nilang Anika Austin Woolfolk. Nauna nang naibahagi ng aktres na nagkakilala sila ng kanyang mister sa isang dating app. Matatandaang naibahagi nila sa isa sa kanilang vlog na sumasailalim sila sa marriage counseling.

Kamakailan ay binahagi ni Michelle na nakapag-move on na siya at mayroon na rin siyang nakaka-date. Aniya, kagaya niya ay divorced din ang lalaking kanyang nakakasama kaya parang mas nagkakaintindihan umano sila. Inamin niya din na wala namang label ang kanilang relasyon ngunit aniya ay hindi naman mahalaga iyon sa kanya. Matatandaang nauna nang naibahagi ni Michelle ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dating asawa at paglipat niya ng tirahan kasama ang kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta