Brenda Mage, inilahad ang ugali ng boyfriend: “Hindi siya takot ipakita sa lahat”

Brenda Mage, inilahad ang ugali ng boyfriend: “Hindi siya takot ipakita sa lahat”

- Inilahad ni Brenda Mage ang pinaka-gusto niyang ugali ng boyfriend niyang si Gio Sta. Ana

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Humanga siya na hindi takot si Gio na ipakita sa lahat ng tao ang pagmamahalan nilang dalawa

- Pati sa kanyang pamilya ay hindi naduwag si Gio na ipaalam na ka-relasyon na niya si Brenda

- Ayon sa komedyante, sobrang halaga sa mga miyembro ng LGBTQ+ community na hindi sila kinakahiya ng kani-kanilang partners

Sa exclusive interview ni Brenda Mage sa KAMI, inilahad ng komedyante ang pinaka-gusto niyang ugali ng boyfriend niyang si Gio Sta. Ana.

Brenda Mage
Brenda Mage (Gio Sta. Ana)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Brenda, humanga siya na hindi takot si Gio na ipakita sa lahat ng tao ang pagmamahalan nilang dalawa.

Read also

Exclusive: Brenda Mage, kwinento kung paano nakilala ang nobyong si Gio

Hindi naduwag si Gio na ipaalam sa kanyang pamilya na ka-relasyon na niya si Brenda. Ipinahayag naman ng ina ni Gio na suportado niya ang kanyang anak sa bagong relasyon nito.

Sinabi pa ni Brenda na sobrang halaga sa mga miyembro ng LGBTQ+ community na hindi sila kinakahiya ng kani-kanilang partners.

“Ang pinakagusto ko sa kanya is ‘di sya takot ipakita sa lahat at sa pamilya ko at sa pamilya nya kung anung nararamdaman nya sa akin.
“Hindi nya ako kinakahiya at ‘yun ang mahalaga sa amin mga bakla,” Brenda told KAMI.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Donnalyn Bartolome, sinabihan si Jose Hallorina na patahimikin na ang lola niya

Sa pagbabalik bahay ni Brenda agad silang pinagkuwento ni Big Brother sa confession room kung saan kasama naman niya si Madam Inutz. Dito ay naibahagi niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dati niyang kinakasama. Nalungkot siya at nag-alangan umano na bumalik sa PBB.

Kamakailan ay ginulat ni Brenda ang publiko sa kanyang mga post. Muli niyang binida ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon. Ang kanyang current boyfriend ay si Gio Sta. Ana. Suportado naman umano ng ina ng kanyang boyfriend ang kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel