Exclusive: Brenda Mage, kwinento kung paano nakilala ang nobyong si Gio

Exclusive: Brenda Mage, kwinento kung paano nakilala ang nobyong si Gio

- Ikwinento ni Brenda Mage na nagkakilala sila ng boyfriend niyang si Gio Sta. Ana sa pamamagitan ng Facebook Messenger

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Pumayag si Gio sa imibitasyon ni Brenda na pumunta sa kanyang probinsya matapos ang ilang araw na pagcha-chat

- Nakilala nilang mabuti ang isa’t-isa at nagka mabutihang loob sa kanilang isang buwan na pagsasama sa probinsya ni Brenda

- Kwento pa ni Brenda, nakatulong din si Gio sa kanya na mag-move on sa breakup nila ng kanyang ex-boyfriend

Sa panayam ni Brenda Mage sa KAMI, ikwinento ng komedyante kung paano niya nakilala si Gio Sta. Ana, ang kanyang nobyo.

Brenda Mage
Brenda Mage
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Toni Fowler at Lai Austria, nagkaayos na matapos nilang magkausap sa isang event

Ayon kay Brenda, nagkakilala sila ni Gio sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Matapos ang dalawang araw na pagcha-chat, pumayag si Gio sa imibitasyon ni Brenda na pumunta sa kanyang probinsya.

Sa kanilang isang buwan na pagsasama sa probinsya ni Brenda, nakilala nilang mabuti ang isa’t-isa at nagka mabutihang loob.

Inilahad pa ni Brenda na nakatulong din si Gio sa kanya na mag-move on sa breakup nila ng kanyang ex-boyfriend.

“Nagkakilala kami thru Messenger sa Facebook. Two days pa lang nagka-chat kami, pinapunta ko na siya sa probinsya namin.
“Nagkasama kami halos isang buwan dito sa amin at nakilala namin ang isat isa. That time I was in the stage of moving on pa sa ex ko pero pinunan nya lahat ng pagkukulang,” Brenda shared.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Read also

Cristy Fermin, sinabing 'di totoo ang paglipat ni Sarah G sa GMA; "Ito po ay fake news"

Sa pagbabalik bahay ni Brenda agad silang pinagkuwento ni Big Brother sa confession room kung saan kasama naman niya si Madam Inutz. Dito ay naibahagi niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ng dati niyang kinakasama. Nalungkot siya at nag-alangan umano na bumalik sa PBB.

Kamakailan ay ginulat ni Brenda ang publiko sa kanyang mga post. Muli niyang binida ang pagkakaroon niya ng bagong karelasyon. Suportado naman umano ng ina ng kanyang boyfriend ang kanilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel