Toni Fowler at Lai Austria, nagkaayos na matapos nilang magkausap sa isang event

Toni Fowler at Lai Austria, nagkaayos na matapos nilang magkausap sa isang event

- Binahagi ni Lai Austria ang isang video ng naging pag-uusap nila ni Toni Fowler nang imbitahan siya nito na pumunta sa Toro de Palasyo

- Nakwento nila na nagkausap sila nang parehas silang dumalo sa isang event kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na magkapaliwanagan

- Ani Toni, masaya siya na parehas nilang napagpasyahan na kalimutan ang mga nangyari at ibaba ang kanilang mga pride sa kabila ng mga sagutan at parinigan nila sa social media noon

- Nilinaw din ni Lai na wala silang galit kay Rob at magaan sa pakiramdam nila parehas na nagkausap at nagkabati na sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkaayos na sina Toni Fowler at si Lai Austria, ang babaeng nasangkot kay Rob Moya matapos nilang maghiwalay ni Toni. Binahagi nila kung paano sila nakapag-usap at nagkapatawaran.

Toni Fowler at Lai Austria, nagkaayos na matapos nilang magkausap sa isang event
Toni Fowler at Lai Austria, nagkaayos na matapos nilang magkausap sa isang event (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Naganap umano ang una nilang pag-uusap nang magkasama sila sa isang event kung saan nabigyan sila ng pagkakataon na linawin ang mga bagay-bagay. Dito ay mas naunawaan umano nila ang panig ng isa't-isa.

Read also

Donnalyn Bartolome, sinabihan si Jose Hallorina na patahimikin na ang lola niya

Nilinaw naman ni Lai na wala siyang sama ng loob kay Rob lalo at may sarili na rin itong buhay. Para naman kay Toni ay magaan ang pakiramdam niya umano matapos nilang makapag-usap.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang mga naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel